Facebook

P 9.5m ecstacy nasamsan 2 bebot sa QC

NAGKAKAHALAGA ng P9.5 million ng ecstasy o ‘party drug’ ang nasamsan at pagkakadakip sa dalawang babae nang kuhanin ang ipinadalang package mula sa bansang Germany sa isinagawang operasyon sa Quezon City Post Office.

Kinilala ang naaresto na sina Ma. Isabella Albano, 27 anyos, ng Quezon City; at Jessica Muñoz, 27, ng Bacoor, Cavite.

Ayon kay Director III Christian O Frivaldo, CESE, Regional Director ng RO-NCR at Task Group Commander ng NAIA-IADITG, isinagawa ang operasyon ng mga elemento ng PDEA Regional Office-NCR at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa Quezon City Central Post Office, Barangay Pinyahan, Quezon City.

Inaresto ang dalawa nang kuhanin ang padalang package na idineklarang mga children toy at apparel na galing sa Germany.

Natuklasan ng mga otoridad ang 5,637 piraso ng ecstasy na nagkakahalaga ng P9.5 million na nakapaloob sa foot massager.

Nahaharap sina Albano at Munoz sa kasong paglabag sa RA 9165 or “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. (Mark Obleada)

The post P 9.5m ecstacy nasamsan 2 bebot sa QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P 9.5m ecstacy nasamsan 2 bebot sa QC P 9.5m ecstacy nasamsan 2 bebot sa QC Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.