BUHAY pa pala ang taong pinangalanan namin na Boy Solicit. Isa itong manggantso na ang laro ay humingi sa mga netizen ng abuloy sa anumang ipinaglalaban kuno. Kilala siya na isa sa mga panatikong tagasuporta ni Leni Robredo. Ang pagtangkilik niya sa kandidatura ni Leni ang kanyang susi para manghingi ng abuloy.
Mga netizen na OFW ang karaniwang mga biktima. May mga netizen na walang lakas upang magreklamo tapos nakunan ng salapi. Hawak nila ang mga remittance slip upang patunay na nagbigay sila ng abuloy. Matapos kunin ang pera, wala ng maririnig sa kanilang ipinaglalaban kuno. Nandiyan pa iyan at hindi nangingiming manghingi kahit nabuko na siya.
Pansamantlang nakapasok sa 1Sambayan, ang koalisyon ng ibang puwersang demokratiko na hindi kabilang sa Liberal Party, ngunit inalis sapagkat nalaman na maraming kaaway at nabisto ang record. Mahilig na lang mag-ingay ang estafador na ito upang magkaroon ng public projection. Hindi sumasagot sa mga tuligsa ang taong ito sapagkat matindi ang takot na lumaki ang isyu. Pero bistado siya sa hanay ay iniiwasan.
***
MAY babala ang dating mamamahayag na si Carol Esposo: “Creepy trollers earn money from politicians but they can also hack and rob you and your friends.” Dahil nahaharap tayo sa isang masusing halalan sa 2022, naglipana ngayon ang maraming troll. Isa si Carol sa mga netizen na na-hack ang account. Nagpadala ng mensahe ang hacker na humihingi ng salapi sa mga kaibigan ni Carol. Nakilala ang hacker at hindi malaman kung nadakip na siya.
Simple lang ang masasabi namin. Huwag magbibigay ng impormasyon sa kaninong tao, lalo na ang mga nakilala sa social media. Inamin ni Carol na nagkamali siya at naibigay niya ang service code ng kanyang social media account. Doon na-hacked ang kanyang account. Pinalitan ang password at nawala na ang account sa kanya. Nakumbinsi ni Carol ang pamunuan ng Facebook sa insidente ng hacking ng kanyang account at nabawi niya ang account niya. Matinding aral ang nangyari sa kanya at ipinangako niya na hindi na ito mauulit.
***
TIWALA ang sigaw ng mga panatikong tagasunod ni Leni. “Magtiwala kay Leni,” ito ang kanilang tambad sa mga kumukuwestiyon kung bakit hindi nagdedesisyon ang kanilang hinahangaan. “Alam niya ang kanyang ginagawa,” anila.
Galit sila sa mga nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa pahiwatig si Leni kung tatakbo o hindi. Pakiramdam nila ay adviser o nasa ‘inner circle’ sila ni Leni at sila ang magdidikta kung kailan ilalahad ang plano ni Leni.
Hindi katanggap tanggap sa kanila ang opinyon ng iba sa pagtakbo ni Leni. Basta magtiwala lang kami, kahit duda kami kung bakit hindi makapagdesisyon sa sarili si Leni. Tinatawanan namin ang ganitong katwiran.
May isa pang katwiran na iginigiit. Septiyembre ng 2015 nang pumasok siya sa labanan, ngunit nanalo pa rin aniya. Kaya marapat sa Septiyembre magdesisyon.
Ito ang katwiran na labis na katawa-tawa. Nakalimutan nila ang Liberal Party ang nasa poder noong mga panahon na iyon. May malaking organisasyon at may malaking pera na panlaban sa kampanya. Ngayon, wala sa poder ang Liberal Party. Iniwan ito ng mga kasapi na sumama sa naghaharing uri. Nandoon ang biyaya. Paano lalaban ang Liberal Party? Iyan ang hindi malinaw lalo na kung hindi siya makapagdesisyon.
***
MAY sanaysay ang kaibigan na Roly Eclevia na totoong nakakabagabag damdamin. Pakibasa:
Filipinos labor hard
to maintain luxurious lifestyle
of cops and soldiers
The salary and pension increases for cops and soldiers will require P1 trillion a year.
The huge expenditure will leave nothing for social services: education, health, job creation. There will be no new roads and bridges, schoolhouses, or government facilities. The existing ones will fall into disrepair since there will be no money to appropriate for that purpose. Funds for assistance to calamity victims will dry up.
Yes, the government still runs, but it is operating on borrowings.
That does not concern Rodrigo Duterte. He’ll be rotting in his grave and his family living in exile in China by the time the creditors send in the bill. For now his objective is to pamper the uniformed services. That is his insurance against a coup d’ etat, the kind that toppled Ferdinand Marcos and Joseph Estrada.
Under this program, salaries are almost doubled for both cops and soldiers. As regards the pension, certain ranks will receive the same amount, retired or in active service.
Ain’t that insane?
What do we get in return? The AFP refuse to fight the Chinese invaders, while the PNP has turned itself into a criminal organization. It is the doctors, nurses, and other healthcare workers who put their lives on the line, but there is no fund for their overtime and hazard pay.
The Filipino people are starving because a big portion of their income goes to taxes that enable cops and soldiers to maintain their luxurious lifestyle.
***
PUMANAW noong Martes si Zenaida “Nini” Quezon Avancena, anak ng yumaong Presidente Manuel Quezon, sa edad na 100 taon. Hindi namin nalilimutan si Gng. Nini Avancena na matiyagang dumalo sa mga forum ng mga civil society organization na bansa. Nakikiramay kay Ricky Avancena na matiyaga lumaban sa iba’t ibang adbokasiya. Maluwalhating paglalakbay sa kabilang buhay Gng. Nini.
***
MGA PILING SALITA: “DTI announces it will standardize adobo and sinigang recipes. Shouldn’t it develop the economy instead of giving cooking lessons?” – Roly Eclevia, netizen
“Totoo ang loob niya sa pagseserbisyo sa lahat at subok na ang kakayahan bilang lider. She is honest and decent,” Angel Ojastro III, convenors ng Bicxol Solid for Leni
“Sitwasyon sa Pinas: Limitado ang mass testing; halos walang contact tracing; at wala pang 5% ng populasyon ang may bakuna. Paano?” – PL, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post Raket, atbp… appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: