Facebook

Plaza Morionez, ‘di na ‘lollipop park, Instagrammable spot na — Isko

ANG makasaysayang Plaza Moriones sa Tondo, na ginawang ‘lollipop park’, tapunan ng basura, pugad ng mga solvent boys’ at palaboy na ginawa rin ang plaza bilang private toilet noong nakaraang administrasyon ay may bagong bihis na ngayon at isa na namang maituturing bilang Ínstagrammable spot sa Maynila.

Kamakailan ay pinasinayaan nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang bagong Moriones Plaza na nagsisilbing perpektong preskong na pasyalan para sa mga bata at matanda na mga residente ng Tondo.

Ang muling pagbubukas ng bagong-bihis na plaza ay napapanahon lalo’t nagkaroon na ng kaluwagan sa mga menor de edad. Iminumungkahi ng mga health authorities na sa mga parks ay iba pang open spaces na lugar magpunta ang mga kabataan sa halip na magtungo at mamasyal sa enclosed shopping malls.

Sa kanyang talumpati ay pinasalamatan ni Moreno ang mga responsable sa total makeover ng plaza, partikular si city engineer Armand Andres, city architect Pepito Balmoris at city electrician Randy Sadac. Sinabi rin ng alkalde na ito ang simula ng serye ng katulad na mga proyekto na bigyan ng ligtas na pasyalan ang mga residente habang nagpapalipas ng oras.

Sinabi pa ng alkalde na nais niyang ang plaza na puno ng kasaysayan ay pakinabangan ng lahat na naglalakad-lakad, nag-e-ehersisyo o nagpapahinga lang na ligtas at komportable.

Umapela si Moreno sa lahat ng opisyal ng mga barangay gayundin sa mga residente sa nasabing lugar na panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng plaza ‘lalo na ngayon na naghahanap tayo ng lugar na puntahan na may sariwang hangin.’

“Nakikisuyo kami, tapat n’yo, linisan nyo… tapat n’yo, alagaan n’yo Ang island ng Moriones ay hindi tambakan ng basura. Hindi pataniman ng manok. Hindi tambakan ng sidecar na bulok at hindi gapangan sa gabi. Hindi na ito ‘lollipop park’. Wag na tayo magkunwari, pare-pareho tayong lumaki dito,” pahayag ni Moreno patungkol sa parke na nagsilbing lugar para sa mabilisang sex sa pagitan ng mga bakla at male prostitutes noong nakaraang panahon.

Sinabi ni Andres na sa ilalim ng Moriones Plaza Linear and Center Island Redevelopment project ay mayroon pang mga sustainable , walkable linear park para sa pamayanan na ginawa sa paligid ng Moriones Street. Mula Juan Luna hanggang Mel Lopez Boulevard na aabot sa 864.82 metro ang haba at mula Sta. Maria Street hanggang Juan Luna Street na aabot naman sa 304.92 metro ang haba.

Sa utos ni Moreno, ang mga fountains na katulad ng makikita sa Venice, Italy ay inilagay plaza kung saan nilagyan din ng araal na mga endemic na puno at halaman.

Naglagay din ng may 5,000 capiz lights at 55 lamp posts sa lugar kabilang din ang 44 wall lamps upang matiyak na maliwanag sa gabi, dagdag pa ni Andres. (ANDI GARCIA)

The post Plaza Morionez, ‘di na ‘lollipop park, Instagrammable spot na — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Plaza Morionez, ‘di na ‘lollipop park, Instagrammable spot na — Isko Plaza Morionez, ‘di na ‘lollipop park, Instagrammable spot na — Isko Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.