Facebook

Women’s group sa Cebu City, inayudahan ni Bong Go

Nagpadala ng iba’t ibang klase ng ayuda si Senator Christopher “Bong” Go sa daan-daang babaeng miyembro ng isang grupo ng kababaihan sa sa Cebu City bilang bahagi ng pangako ng senador na susuportahan ang mga vulnerable sectors na labis na naapektuhan ng pandaigdigang pandemya.

“Walang humpay ang ating paglilingkod. Pinag-aaralan natin ang lahat ng posibleng paraan na maaaring makapagpabilis sa daloy ng serbisyo at makatulong sa ating mga kababayan,” ayon kay Go.

“Para naman sa amin ni Pangulong Rodrigo Duterte, basta kapakanan ng mga mahihirap, lalo na ‘yung mga walang matakbuhan, ipaglalaban namin ‘yan hanggang sa huli,” idinagdag ng senador.

Ang mga benepisyaryo na binubuo ng 418 kasapi ng “Giya Ayuda sa Babaeng Sugbuanon” Federation (GABAY) sa ilalim ng Cebu City Women and Family Affairs Commission, ay nakatanggap ng mga makakain, food packs, masks, face shields at vitamins mula sa grupo ni Go sa Plaza Sugbo, Cebu City.

Ito ay kasunod ng kaparehong relief operation sa 300 kababaihan din noong March 24.

Sa kanyang video message, iginiit ni Go sa kababaihan na patuloy na sumunod sa health preventive measures, gaya ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng masks, face shields, pag-oobserba sa social distancing at pag-iwas sa mga hindi importanteng biyahe.

Sa halip, hinimok ni Go ang mga ito na na magpabakuna laban sa COVID-19 para maibalik na ang normal sa bansa.

“Sa aking mga kababayan na kababaihan under GABAY Sugbuanon, ingat kayo palagi ha, andito lang kami ni Presidente Duterte na handang magserbisyo sa inyong lahat mayroon lang kaming kaunting tulong na pinadala sa inyo,” ani Go.

“Sa mga kaigsoonan nako na Bisaya, kami ni Presidente Duterte mga Bisaya pud. Naa lang mi dire na andam moserbisyo sa inyong tanan hangtud sa among makaya. Pinalangga kaayo namu kamong mga Bisaya.”

“Hindi po namin kayang mag-isa po ito. Kailangan nating bayanihan, kailangan po nating magmalasakit po sa ating kapwa Pilipino,” anang mambabatas.

The post Women’s group sa Cebu City, inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Women’s group sa Cebu City, inayudahan ni Bong Go Women’s group sa Cebu City, inayudahan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.