Facebook

Pangulong Duterte swak pa rin sa kasong kriminal kahit manalong bise presidente

HINDI umano makalulusot si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanya bunsod ng madugong drug war kahit manalo pa itong vice president sa 2022 national election.

Ito ang sinabi sa isang interview sa radyo ni Antonio La Viña, legal expert at dating dean ng Ateneo School of Government na hindi makakuha ng proteksiyon sa Office of the Vice President si Pangulong Duterte mula sa mga kaso sa International Criminal Court (ICC), Ombudsman at daan-daang murder cases na inihain laban sa kanya.
Kahit aniya walang nakasaad sa 1987 Constitution na basehan upang i-disqualify si Duterte sa pagkandidato bilang vice president, magsisilbi itong paraan para manatili sa kapangyarihan.

Kamakalawa, inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi itutuloy ni Pangulong Duterte ang vice presidential bid kapag tumakbong presidential bet ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Hindi ito nagustuhan ni Sara at nanawagan sa kanyang ama at sa ruling party PDP-Laban na huwag siyang gamiting dahilan kung itutuloy o iaatras ang kandidaturang Go-Duterte sa 2022 elections.

PARATANG NI LACSON NA “LARGE SCALE CORRUPTION”, PINABULAANAN NG MALAKANYANG

Samantala nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na wala pang napapatunayang katiwalaan ang Senado hinggil sa umano’y maanomalyang paggastos ng pamahalaan sa COVID-19 response funds.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa naging pahayag ni Senator Panfilo Lacson na mayroong “large-scale corruption” at pinagkakakitaan ng ilan ang nagpapatuloy na health crisis.
Ayon kay Roque, wala pang matibay na ebidensya na maipresenta ang mga senador na makapagpapatunay na bumili nga ang Duterte administration ng mga overpriced na COVID-19 supplies kasama na ang personal protective equipment (PPE) noong isang taon.

Giit pa nito, hindi overpriced ang ?1,700 na PPE set dahil noong pumutok ang pandemya, walang mapagbilhan nito at talagang mataas ang presyo dahil na rin sa dami ng demands.

Paliwanag pa ni Roque, ang tanging napatunayan lamang sa ngayon ay ang hindi paggastos ng Department of Health (DOH) sa ilang bahagi ng kanilang pondo pero ang halaga naman na ito ay hindi nawala kaya’t hindi rin maituturing na pandarambong.

Matatandaang kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang management ng DOH sa ?67 billion na COVID-19 response fund nito.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Pangulong Duterte swak pa rin sa kasong kriminal kahit manalong bise presidente appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pangulong Duterte swak pa rin sa kasong kriminal kahit manalong bise presidente Pangulong Duterte swak pa rin sa kasong kriminal kahit manalong bise presidente Reviewed by misfitgympal on Setyembre 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.