
Kamakalawa (September 30) ay opisyal nang nagbitiw bilang CHAIRMAN AND ADMINISTRATOR ng METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM (MWSS) si RETIRED PLT. GEN. REYNALDO VELASCO upang sumalang sa larangan ng paglikha ng mga batas para sa kapakanan ng FILIPINO CITIZENS.
Lalarga bilang kinatawan ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE RETIREES ASSOCIATIONS INC (PRAI) itong si RET. GEN. VELASCO at siya ang pangunahing nominee upang mapabilang sa HOUSE OF REPRESENTATIVES.
Ang PRAI ay magtutuon sa benepisyo’t kapakanan ng lahat ng PNP UNIFORMED MEMBERS at sa kanilang mga pami-pamilya.., na malaki ang maibabahaging kaalaman ni VELASCO dahil sa kaniyang mga pinagdaanang propesyon mula sa pagiging PNP OFFICIAL hanggang nagretiro ito noong 2005.., naging STA. BARBARA MAYOR sa lalawigan ng PANGASINAN noong 2007 at noong 2017 naman ay nailuklok siya para pangasiwaan ang MWSS.
Mga ka-ARYA.., itong si RET. GEN. VELASCO ay maraming mga posisyong ginampanan sa kaniyang pagiging PNP OFFICIAL na kabilang dito ang pagiging REGIONAL DIRECTOR sa iba’t ibang rehiyon kasama na ang NATIONAL CAPITAL REGION; naging DIRECTOR sa PNP HEADQUARTERS; COMPTROLLER at naging PNP DEPUTY DIRECTOR GENERAL FOR ADMINISTRATION.
Sa pagiging ALKALDE ng bayan ng STA. BARBARA ay nailunsad nito ang reporma sa kanilang munisipalidad; pinahalagahan ang edukasyon, pagpapatayo’t pagsasaayos ng mga gusaling paaralan; livelihood opportunities at job creations kabilang na ang programang agrikultura, health services at pagpapahalaga sa environment protection gayundin ang mga proyektong lulunas sa mga pagbaha at ang waste segregations.
Sa naging pamamahala naman nito sa MWSS ay nailunsad nito ang ANNUAL MILLION TREE CHALLENGE (AMTC) bilang aksiyon sa rehabilitasyon ng mga WATERSHED na nakaaapekto sa water supply at reorganization sa naturang ahensiya, na nagresulta sa higit na pagsulong ng kanilang pangasiwaan. Mula taong 2017 hanggang 2019 ay nakapagremit ang MWSS sa government treasury ng kabuuang P1.512 bilyon.
Sa mga karanasang ito ni Velasco at sa taglay niyang talino ay napaunlad ang serbisyo ng MWSS na tinatamasa ngayon ng sambayanan at ang aspetong ito ay magagamit pang higit nito sa KONGRESO.., para sa pagbuo ng mga panuntunang batas na tatamasahin ng sambayanan lalo na sa sektor ng LAW ENFORCERS.
Bilang RETIRED POLICE OFFICER, si VELASCO ay naniniwala na ang pagtutuon sa kapakanan ng kaniyang mga kapuwa retirado mula sa PNP ay isang pamamaraan upang makapagbigay ng kontribusyon sa organisasyong nagtitiwala sa kaniyang mga naging panunungkulan.
Malaki ang kakayanan nitong si Velasco sa kaniyang panibagong tatahakin para makapagserbisyo pang higit sa kaniyang mga kababayan.., at magkakaroon lamang ng kaganapan ang adhikain ng nasabing RETIRED GENERAL kung susuportahan ng mga botante higit ang sektor ng LAW ENFORCERS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post MWSS Chairman Velasco sasabak sa politika appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: