
NAPAKASAHOL na ng problema sa sektor ng kalusugan ng Pilipinas sa kasalukuyan.
Tiyak na lulubha ito kung mananatili ang mga namumuno ngayong sa Department of Health (DOH), sa pangunguna ng pinakamamahal ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Dr. Francisco Duque III.
Kung may nasisiyahang mga doktor, nars at iba pang health workers, higit na marami ang nabubuwisit sa pangkat ni Duque, sapagkat naniniwala silang pinabayaan na sila ng mga dalubhasang ito.
Hindi sapat ang ginawa ng DOH na ihabol ang 20,000 health workers sa pamimigay ng ayudang nakasaad sa Bayanihan Act 2 dahil napakarami pang nagtratrabaho sa mga ospital ang walang natatanggap mula sa pamahalaaan.
Totoo ang lumalabas sa midya na balitabng napakaraming health worker ang hindi nakatanggap kasing isang kusing.
Ayon sa nars na nakausap ko mula sa Pangasinan, wala silang natatanggap na ayudang galing sa DOH na ipinadaan sa Department of Budget and Management (DBM).
Idiniin ng nasabing nars, hindi na nga raw nila nakukuha ang kanilang hazard pay, pati ba naman ayuda ay ipinagdamot pa.
Pokaragat na ‘yan!
Ang ayuda para sa mga manggagawa sa sektor ng kalusugan ay itinakda ng batas na ipinasa ng Kongreso at linagdaan ni Duterte.
Nagkaroon ng nasabing batas na tinawag na “bayanihan” kung saan kasama ang ayuda para sa mga health worker dahil gusto ng administrasyong Duterte na makatulong sa pangangailangan ng mga health worker.
Ngunit, pumalpak sa implementasyon ang DOH at DBM.
Hindi agad kumilos ang DOH upang maipasa sa DBM ang mga kabuuang bilang ng mga health worker sa lahat ng panig ng bansa upang makatanggap sila ng ayudang pinansiyal mula sa pamahalaan.
Dahil sa kapalpakan at kapabayaan ng pangkat ni Duque, libu-libong health workers pa ang walang natatanggap na ayuda, kabilang na ang mga nagtatrabaho sa mga ospital sa Pangasinan.
Maibibigay pa ang ayuda sa kanila, gayong paso na ang Bayanihan Act 2?
Maraming nakapagsabi sa akin na si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang mapagpasya ngayon sa larangan ng kalusugan.
Kapag sinabi ni Senador Go, siguradong may resulta.
Dapat pala si Bong Go ang itinalagang kalihim ng DOH kung totoong siya ang mapagpasyang bataan ni Duterte at hindi si Duque.
Ang problema, hindi doktor si Go.
Kaya, hindi siya kuwalipikado.
Pokaragat na ‘yan!
Si Bong Go ay beteranong alalay ni Duterte.
Naging senador siya nang manalo noong halalang 2019.
Kahit hindi doktor o nars, si Go ang pinuno ng Health Committee sa Senado.
Si go ang pangunahing may-akda ng Malasakit Law na nagtakdang mabilis ang pagkilos ng pamahalaan tungkol sa serbisyong kalusugan.
Siguradong mabilis na aaksyonan ang problema sa kalusugan ng sinumang pangkaraniwang tao, basta kuwalipikadong benepisyaryo ito.
Pokaragat na ‘yan!
Hindi ako naniniwala rito hangga’t hindi ko napapatunayan.
The post Si Bong Go ang kailangan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: