Facebook

Sara Caravan: ‘Busina ng pagkakaisa’

NAGSAGAWA ng motorcade ang malaking grupo ng mga taga suporta ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio upang hikayatin itong tumakbo sa national post para sa 2022 election nitong Sabado.

Sinimulan ang Sara Caravan na may temang ‘Busina ng pagkakaisa’ sa Cultural Center compound parking lot at tumulak pa-Roxas Blvd. patungong Burgos st, Rizal Avenue, Monumento, hanggang Edsa.

Ito ang unang motorcade na isinagawa sa National Capital Region (NCR) na may halos 700 iba’t ibang grupo na naglalayon at binuo ito bilang isang major group upang hikayatin si Sara na baguhin ang kanyang desisyon sa muling pagtakbong Alkalde ng Davao city sa halip tumakbo ito bilang Pangulo o Pangalawang Pangulo ng bansa.

Ipinahayag ng nasabing grupo kay Mayor Sara na pakinggan ang kanilang panawagan dahil naniniwala silang wala naman ibang karapat dapat na kandidato para magpatuloy sa mga nasimula at maiiwan ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa Comelec Law, pinapayagan ang isang kandidato na ibahin ang kanyang naunang posisyong tatakbuhin sa pamamagitan ng ‘substitution’ hanggang November 15.

Matatandaan na noong 2016 election, nagamit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing ‘subsitution law’ nang palitan nito si Martin Dino ay sa huli nagwagi itong Presidente ng bansa.

The post Sara Caravan: ‘Busina ng pagkakaisa’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sara Caravan: ‘Busina ng pagkakaisa’ Sara Caravan: ‘Busina ng pagkakaisa’ Reviewed by misfitgympal on Oktubre 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.