ANG Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 2,656 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,130 na gumaling at 154 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.2% (34,866) ang aktibong kaso, 97.2% (2,721,516) na ang gumaling, at 1.58% (44,239) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 4, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: https://ift.tt/3kEXxbI. (ANDI GARCIA)
The post 2,656 NA DAGDAG KASO NG COVID, NAITALA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: