Facebook

MGA “BUWAYA” SA IRIGASYON BITAGIN!

Noong administrasyon ni yumaong dating PRESIDENT FERDINAND MARCOS SR., ay ang bansa natin ang pinag-aangkatan ng bigas ng ilang mga bansa.., subalit nang mapatalsik sa MALACAÑANG ang MARCOS FAMILY noong 1986 ay nagsulputan na ang mga “BUWAYA” na isa sa pinagtampisawan ay ang mga IRIGASYON sa ating bansa.

Resulta, “NAPESTE” ang mga bukirin sa pamamagitan ng iba’t ibang mga BOGUS PROJECT at iminolde sa kaisipan ng sambayanan na kinakapos na ang bansa sa suplay ng bigas, kaya kinakailangang mag-aangkat mula sa ibang bansa ., kasi mas malaki ang ganansiya na makokomisyon ng mga “BUWAYA” sa gobyerno sa pag-aangkat.

Pero, hindi pa nakontento ang mga CORRUPT kaya iminolde uli at minanipula ang isipan ng sambayanan hinggil sa FOOD SHORTAGE tulad ng kakapusan sa sibuyas, bawang, asukal at pati isda tulad ng galunggong.., e gayong tayo ay napalilibutan ng karagatan na napakayaman sa iba’t ibang uri ng mga isda.., siyempre ang LOGIC e KURAP ang mga naminuno sa iba’t ibang GOVERNMENT AGENCY kasapakat ang mga negosyante’t contractor para magkamal ng kadatungan.

Sa bagong administrasyon ngayon ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. ay may ahensiya na ang nagpasimula nang nambibitag ng mga “BUWAYA” sa iba’t ibang irigasyon sa ating bansa upang matuldukan ang kurapsiyon at tunay nang mapagserbisyuhan ang pangangailangan sa sektor ng pagsasaka.

Nitong Lunes ay nagsagawa ng press conference ang NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA) sa pangunguna nina ADMINISTRATOR BENNY ANTIPORDA at SENIOR DEPUTY ADMINISTRATOR ATTY. ERYL ROYCE NAGTALON hinggil sa kanilang pagsasampa ng kaso sa OMBUDSMAN laban sa kanilang 2 NIA OFFICIALS na sina NIA ACTING MANAGER OF LEGAL SERVICES ATTY. LLOYD ALLAIN CUDAL at ATTY. MARY ANNABELLE CRUZ-DOMINGO.. kasi, nagpabaya raw ang mga ito at mali o sinadyang.minali ang mga proseso kaya natalo sa kasong isinampa ng GREEN ASIA CONSTRUCTION & DEVELOPMENT CORPORATION dahil sa pagkaka-terminate ng kontratang rehabilitation project para sa UPPER PAMPANGA RIVER.., ang demand ng GREEN ASIA ay bayaran sila ng mahigit na P200 milyon dahil sa termination ng kontrata.

Sumasaludo ang ARYA sa mithiin ni NIA ADMIN. ANTIPORDA sa pambabangga sa KATIWALIAN kahit pa kasamahan niya sa kanilang ahensiya.., pero umpisa pa lang yan at mahabang labanan pa yan sa Korte kung mapapatunayan na nagkasala nga ba ang 2 nilang NIA OFFICIAL sa mga kasong paglabag sa RA No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees, Gross Inexcusable Negligence Misconduct and Conduct Unbecoming of Public Officers sa kanilang panunungkulan.

Sa pagpupunto ni ANTIPORDA, ang irigasyon ay pinakamahalagang bagay para sa pangangailangan ng mga magsasaka..,kaya, ang mga proyekto ay dapat na maisakatuparan at maipagkaloob sa kapakanan hindi lamang sa mga magsasaka kundi sa kapakanan ng buong sambayanan.., at HINDI SA KAPAKANANG PAMBULSA NG MGA “BUWAYA”.., este CORRUPT OFFICIALS!

Dapat, ang mga GOVERNMENT OFFICIAL sa administrasyon ngayon ni PRES. BONGBONG ay matularan nila ang aksiyon ni ANTIPORDA na mapagbago o kalusin sa kanilang ahensiya ang mga tiwali upang magkaroon ng NIA GENUINE SERVICES.., kapag naisakatupran ito ay siguradong magiging TABOO ang BOGUS na FOOD SHORTAGE.

Ang #NIAparasabayan ay dapat matularan ng lahat ng ahensiya sa ating gobyerno.., panahon na para sa slogan na “GOVERNMENT PROJECTS PARA SA BAYAN.., HINDI SA CORRUPT OFFICIALS!”.., Ika nga, kailangang papanagutin ang mga tiwali at BITAGIN ANG MGA “BUWAYA” SA LIPUNAN upang maging progresibo na ang buong sambayanan sa pamamagitan ng GENUINE GOVERNMENT PROJECTS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post MGA “BUWAYA” SA IRIGASYON BITAGIN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MGA “BUWAYA” SA IRIGASYON BITAGIN! MGA “BUWAYA” SA IRIGASYON BITAGIN! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 19, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.