Facebook

50 Pinoy bikers sinagasa sa Kuwait: 11 sugatan

LIMANGPUNG Pinoy bikers ang inararo ng isang SUV  sa Kuwait, sinabi ng opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo.


Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega, sumuko naman ang driver ng SUV at maaari itong kasuhan kapag napatunayang walang ingat sa pagmamaneho sa oras ng aksidente na kinasasangkutan ng grupo ng Pinoy bikers.

 

“’Yung driver, nag-surrender na. Hindi pa malinaw kung ano sinabi pero tingin natin Kuwaiti. Kusang loob na nag-surrender na sa mga pulis kaya iniimbestigahan ng Kuwaiti government, tinitignan ‘yung mga pelikula ng aksidente,” pahayag ng DFA.Advertisement

 

Sinabi ni De Vega na pumihit ang SUV at tumama sa grupo ng bikers na nasa bike lane.

 

Labing-isa sa mga biktima ay dinala sa dalawang ospital, ayon sa kanya. Sa kanila, pito ang naka-discharge na, 2 under observation pa, habang ang dalawa pa ay nasa kritikal na kondisyon.

The post 50 Pinoy bikers sinagasa sa Kuwait: 11 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
50 Pinoy bikers sinagasa sa Kuwait: 11 sugatan 50 Pinoy bikers sinagasa sa Kuwait: 11 sugatan Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.