Facebook

Diving instructor, 2 pa patay sa lunod

NALUNOD ang tatlo katao kabilang ang isang Chinese national sa magkakahiwalay na insidente sa Batangas nitong Huwebes at Biyernes.


Kinilala ng Batangas PNP ang isa sa  mga nasawi na si On Ki Ng, 43, Chinese national at diving instructor.

 

Ayon sa pulisya, nalunod ito habang nagtuturo ng diving sa karagatan ng Barangay Ligaya,  Mabini 4:00 ng hapon ng Huwebes. Nakita na lamang ito ng kanyang mga kasama na hindi na tumutugon sa kanilang senyas habang nasa ilalim ng tubig.

 

Isinailalim sa pagsusuri ng mga awtoridad ang labi para malaman ang dahilan ng ikinasawi nito.

 

Sa bayan ng San Juan, dalawa naman ang nalunod kabilang ang barangay tanod na si Antonio Maruzo, 64 anyos.

 

Ayon sa report, kasama nito ang iba pang barangay officials na nag-a-outing sa isang resort sa Barangay Laiya Aplaya nang malunod 5:00 ng hapon nitong Biyernes.

 

Samantala una dito, nasawi naman sa Barangay Barualte, San Juan ang 25 anyos na si Nhemuel Luistro.

 

Naliligo ito sa tabing dagat kasama ang kanyang mga pinsan nang matangay ito ng agos at malalaking alon patungo sa malalim na bahagi 4:00 ng hapon.

The post Diving instructor, 2 pa patay sa lunod appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Diving instructor, 2 pa patay sa lunod Diving instructor, 2 pa patay sa lunod Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.