Facebook

PANGDIIN ANG NTF-ELCAC

TATAPUSIN o nasa punto na nang pagdidiin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para tuluyan nang matapos ang pagmamalabis ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Nailatag na din ng task force ang tatahakin nitong ‘road map’ hanggang 2028, upang tuluyan nang wakasan ang paghahari-harian ng Communist Terroristis Group, bilang sabi nga ay “bringer of peace” sa mga lugar na dati ay hawak ng mga rebelde.

Nito nga huling pulong balitaan ng NTF-ELCAC, sinabi ng Executive Director nito na si dating Army Gen. Ernesto Torrest, lumikha na sila ng direksiyon na tutunguhin ng task force sa kautusan na rin ni Pangulong Bong Bong Marcos na dalhin ang kapayapaan at kaunlaran sa mga lugar na dating hawak ng mga CPP-NPA-NDF.

Aktibong partisipasyon ng pinalakas na NTF-ELCAC ang mararamdaman ng ating mga kababayan dahil ang pagkilos ay hanggang sa mga regional at provincial task force ng ahensiya upang mapagtagumpayan ang laban sa CTGs.

Nabatid natin kay Torre, na palalakasin din nila ang pagbibigay kaalaman sa ating mga kababayan sa mga kanayunan, ang mga kasamaan at mga balakin ng mga komunistang-terorista sa kanila at sa kanilang mga komunidad.

Ang “whole-of-nation approach” na inihabilin ni PBBM aniya ay di lang kabibilangan ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kung di maging ang pakikipag-tulungan ng publiko at pribadong individual o samahan, pati na ang mga sektor ng relihiyon, upang makamtam ang tunay na kapayapaan at tuloy-tuloy na kaunlaran.

Dalawang landasin ang tatahakin ng task force, ang politika at ekonomiya at ang pagpapairal ng kapayapaan sa pamamaraang militar, na paraan upang kumbinsihin ang ating mga kababayan na talikuran ang pagsuporta sa CPP-NPA-NDF.

Sa kautusang ito ni PBBM sigurado ako, matatapos na ang paghahari-harian nitong mga CPP-NPA-NDF diyan sa mga barangay na dati nilang mga hawak.

Dadaloy nang maayos pati ang paglalatag ng mga proyekto lalo na sa malalayong barangay na sinasamantala ng mg komunistang-terorista, para na rin masiguro na sila ay di na palolokong muli sa CPP-NPA-NDF.

The post PANGDIIN ANG NTF-ELCAC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PANGDIIN ANG NTF-ELCAC PANGDIIN ANG NTF-ELCAC Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.