Facebook

Lalaki, pisak sa truck nang matumba sa suntukan

NASAWI ang isang lalaki nang magulungan ng truck nang matumba habang nakikipagsuntukan sa Rodriguez, Rizal, Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Vincent Dinusta, 20 anyos. Isang menor de edad naman ang kaniyang nakasuntukan.

Sa ulat, nagkapikunan ang biktima at kaibigan nito kaya nauwi sa suntukan ang kanilang inuman.

“Lumalabas na nagbibiruan lang itong dalawa. Bandang huliy nagkapikunan,” ayon kay Police Captain Umar Aduca, hepe ng Investigation Section ng Rodriguez Police.

Napag-alamang galing Porac, Pampanga ang 10-wheeler truck na nakasagasa sa biktima at magde-deliver ng hollow blocks sa Rodriguez. Nagbigay na ng tulong pinansiyal ang driver nito sa pamilya ng biktima.

Bagama’t walang plano ang pamilya ni Vincent na kasuhan ang driver ng truck, desidido naman sila na sampahan ng kaso ang menor de edad na kasuntukan nito.

Hawak na ng Department of Social Welfare and Development at nahaharap sa reklamong homicide ang ang menor de edad na kasuntukan ng biktima.

The post Lalaki, pisak sa truck nang matumba sa suntukan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki, pisak sa truck nang matumba sa suntukan Lalaki, pisak sa truck nang matumba sa suntukan Reviewed by misfitgympal on Mayo 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.