Facebook

Mas mabigat na disciplinary action irerekomenda ng House Ethics Committee vs Teves

NAKATAKDANG magrekomenda ang House Committee on Ethics and Privileges ng mas mabigat na disciplinary action laban kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves.

Pahayag ito ni Committee Chairman at COOP NATCO Representative Felimon Espares matapos nilang dinggin muli nitong Lunes ang kaso ng AWOL o absence without leave ni Teves.

Pero hindi pa naman idinetalye ni Espares kung ano ang kanilang magiging rekomendasyon.

Una nang pinatawan ng komite si Teves ng 60 araw na suspension na nagtapos nitong nakaraang Lunes, May 22, 2023.

Tinanggihan din ng komite na lumahok sa pulong o pagdinig nito si Teves sa pamamagitan ng online na paraan.

Sinabi naman ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, hahahapan nila ng legal na remedyo anuman ang magiging aksyon ng Mababang Kapulungan.

Samantala, naninindigan si Teves na hindi siya babalik ng Pilipinas sa kabila nang pagbaligtad ng mga naarestong suspek sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

“Kahit may bumaliktad, walang bumaliktad, may threats sa aking buhay at wala pa ring semblance of fairness,” ayon kay Teves sa isang press briefing nitong Lunes ng umaga.

Matatandaan na ilan sa mga suspek ay isinabit si Teves sa pagpatay kay Degamo, ngunit lima sa kanila ay binawi na ang mga naunang pahayag.

 

 

The post Mas mabigat na disciplinary action irerekomenda ng House Ethics Committee vs Teves appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mas mabigat na disciplinary action irerekomenda ng House Ethics Committee vs Teves Mas mabigat na disciplinary action irerekomenda ng House Ethics Committee vs Teves Reviewed by misfitgympal on Mayo 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.