Facebook

Binatilyong humingi ng tulong sa pulisya sinilihan pa ng parak

SA halip na tulungan, sinilihan pa sa maselang bahagi ng katawan ang 17- anyos na binatilyo na humihingi ng tulong sa pulisya sa Don Marcelino, Davao Occidental.

Nagtungo ang biktima sa isang checkpoint sa Sitio Pamongot, Barangay Talagunton upang isumbong ang lasing na ama na sasaktan umano siya.

Matapos magsumbong, dinala ang binatilyo sa isang kwartong patay ang ilaw. Doon ay pinasakan ito ng sili sa maselang bahagi ng katawan nito.

Nagmakaawa ang biktima, na kalaunan ay pinakawalan nang magsabing maghuhugas lamang ito sa kalapit na poso dahil sa nilagay na sili sa pwetan nito.

Humingi ng tulong ang lola ng biktima upang matukoy ang mga sangkot dito.

Pero bigo makapagbigay ng pangalan ng suspek ang biktima, ngunit nagsabing maituturo niya ito kung makikita niya ulit.

Naghain ng reklamo ang pamilya ng biktima sa women and children’s protection desk ng PNP.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng municipal social welfare and development office ang biktima.

“Iniimbestigahan na natin ito upang malaman kung totoong pulis nga ba ang gumawa o kung totoo bang nangyari yun sa bata. Kung totoo man, aalamin natin kung sinong pulis at kakasuhan natin,” ayon kay Police Capt. Arvin Ongcay, hepe ng Don Marcelino Municipal Police.

Nang tanungin naman kung bakit ginawa ng suspek ang paglalagay ng sili sa binatilyo, sagot ng lola:

“Sinusuway daw ang utos ng ama ma’am at ang naglagay ng sili may tattoo raw sa dibdib.”

The post Binatilyong humingi ng tulong sa pulisya, sinilihan pa ng parak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Binatilyong humingi ng tulong sa pulisya sinilihan pa ng parak Binatilyong humingi ng tulong sa pulisya sinilihan pa ng parak Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.