Facebook

Julia Baretto tinaguriang bagong Reyna ng Viva

Ni BETH GELENA

TINANGGIHAN ng ABS-CBN ang timeslot na ino-offer ng TV5 na 4:30pm para sa timeslot ng It’s Showtime kaya nagbigay na sila ng statement na hanggang June 30 na lang mapapanood ang kanilang noontime show sa estasyon.
Gayunman, nakahanap muli ng bagong tahanan ang It’s Showtime sa GTV Channel ng GMA-7.
Sey nga nila “GnG tayo Madlang Pipol!”
Sa July 1 na mag-uumpisa ang It’s Showtime sa GTV, same time pa rin Monday to Saturday.
Mapapanood pa rin sila sa lahat ng Kapamilya platforms at sa A2Z.
Kung matutuloy ang TVJ sa kanilang noontime show sa July 1, tiyak war noontime show ang mangyayari, EB ng Tape vs It’s Showtime vs Legit Eat Bulaga.
Hope magiging healthy competition ang mga show na ito.
***
ALLAN K, WALLY, JOSE AT MAINE IN-OFFERAN NANG DOBLE NG EB
AYON kay Allan K, inalok si Maine Mendoza ng Eat Bulaga (Tape) ng dobleng TF para lang mag-stay siya sa programa.
Una raw silang in-offeran nina Jose Manalo at Wally Bayola.
Sa ikalawa umanong meeting ay si Maine naman ang nabigyan ng naturang offer.
Pero lahat daw sila ay tumanggi at sumama pa rin sa TVJ.
Kwento niya kay Julius Babao, “Although, miniting kaming tatlo we were offered this much, sabi namin hindi naman po ganoon kadaling magdesisyon. Can you give us time?”
“Sa ikalawang meeting, sinali na, kasama na siya sa double your price,” dagdag pa ni Allan nang matanong ni Julius ang tungkol sa lagay ni Maine.
Sa July 1 kung hindi magkakaroon ng aberya ay matutuloy na ang TVJ sa kanilang noontime show.
Hindi pa nIla nilalabas kung ano ang magiging title ng programa.
***
BAGO magtapos ang 2023 ay may dalawa pang upcoming movies na gagawin si Julia Barretto.
Feeling blessed at grateful ang actress sa dumarating na projects sa kanya.
Una na rito ang Will You Be My Ex? ng VIVA Films kung saan makakasama niya ang aktor na si Diego Loyzaga.
May gagawin din siya with Alden Richards sa Special Memory pati na ang Philippine adaptation ng hit-Korean movie na A Moment To Remember.
May nakalinya pang Forgetting kung saan makakasama naman niya ang veteran actor na si Aga Muhlach.
Sa isang panayam, naitanong sa girlfriend ni Gerald Anderson kung ano ang feeling na malaki ang tiwala sa kanya ng VIVA Artist Agency.
“Very grateful. Very grateful of course,” sambit ng aktres.
“I’m very excited and this is one of the films that I am very proud of. And actually, wish nga namin nung April pa lang naipalabas na siya which was actually a month after shooting. That’s how proud we are of this film and excited ako na mapapanood na siya finally,” saad pa niya.
“Isa si Julia sa mga importanteng artista ng Viva so binibigyan siya ng magaganda and malalaking projects,” ani Viva Executive.
“That’s what’s nice about VIVA, you know. It’s much a space for everybody and anybody [and] you get to work with different artists. I’m glad that we’re on the same page,” pagtatapos niya.

The post Julia Baretto tinaguriang bagong Reyna ng Viva appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Julia Baretto tinaguriang bagong Reyna ng Viva Julia Baretto tinaguriang bagong Reyna ng Viva Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.