Facebook

Konsi Alfred inamin, natutulala kay Nora, Vilma next na type makasama sa movie

NAKABIBILIB si Coun. Alfred Vargas dahil sa kabila ng pagiging abala sa serbisyo-publiko sa kanyang mga nasasakupan, nagagawa pa rin niyang mag-aral at mag-showbiz.
Tsika nga ni Alfred, malaking bagay daw na natutulungan siya sa pagpapagaan ng kanyang mga gawain sa konseho ang pagkakaroon ng masisipag na staff at maasikasong misis.
Kaya nakakarir ng nasabing konsehal ang pag-aaral niya sa UP dalawang beses sa isang linggo.
Happy rin siya sa kanyang showbiz career lalo na at mataas daw ang ratings ng kanyang serye sa GMA7 na AraBella.
Hindi rin napigilang magkuwento ni Alfred sa pelikulang Pieta na prinudyus niya kasama ang tatlong mahuhusay na aktres, sina Nora Aunor, Gina Alajar at Jaclyn Jose.
“Grabe pang-marvel universe talaga. Sina Ate Guy, Ms. Gina at Ms. Jaclyn ang naging super heroes ko. One of the best films ko talaga ito. “Natutulala talaga ako lalo na sa eksena namin ni Ate Guy na laging take 1 kaya kailangang makasabay ka sa kanya,” anya pa.
Tsika pa ni Konsi Alfred na hindi anya pinararamdam ni Nora na Superstar siya, mapagbigay umano ito at never nagyabang.
Wala pa umanong sampung araw ay natapos na ang kanilang shooting. Hanga rin daw siya sa kanilang direktor na si Adolf Alix, Jr. dahil sa husay nito. Matagal na rin daw niya itong nais makatrabaho.
Ngayong nakasama na sa pelikula si Nora, sinabi ni Alfred na gusto rin daw niyang makasama sa proyekto ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, gayundin si Ms. Hilda Koronel.
Nais din daw niyang makasama sa pelikula ang kanyang idolo na si Richard Gomez.
Sa rami ng mga nagampanan nang role sa pelikula at serye, binanggit ni Alfred na gusto niyang makasama sa isang light love story na tema ang sexy actress na si Diana Zubiri. Nagkasama na umano sila noon ni Diana pero marami pa rin daw humihiling na muli silang magkasama sa project. Dinagdag pa ng aktor-pulitiko na mas maganda raw kung pati si Rufa Mae Quinto ay makasama nila.
At dahil nakatanggap na ng mga award ang ginawang pelikulang Tagpuan kasama si Iza Calzado, wish ni Alfred na makagawa rin ng movie na tatangkilikin ng moviegoers at magiging hit sa box office. (BLESSIE K. CIRERA)

The post Konsi Alfred inamin, natutulala kay Nora, Vilma next na type makasama sa movie appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Konsi Alfred inamin, natutulala kay Nora, Vilma next na type makasama sa movie Konsi Alfred inamin, natutulala kay Nora, Vilma next na type makasama sa movie Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.