Facebook

Road closure sa ilang kalye sa Maynila sa June 24 MPIO Chief Atty. Princess Abante

INANUNSYO ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ni Atty. Princess Abante, hepe ng Manila Public Information Office ang pansamantalang road closure o pagsasara ng ilang kalsada sa kabisera ng bansa sa Sabado, June 24.

Ang nasabing pansamantalang road closure ay kaugnay ng isasagawang Civic Military Parade sa pagdiriwang ng ika-452 taong anibersaryo ng “Araw ng Maynila.”

Sinabi ni Atty. Abante na magsisimulang isara ang mga kalye mula alas-6:00 ng umaga ng Sabado.

Narito ang listahan ng mga kalyeng isasara sa trapiko.

Kahabaan ng Moriones St., mula sa Mel Lopez Blvd. hanggang N. Zamora Street

Kahabaan ng J. Nolasco Street mula Morga St. hanggang sa Concha St.

-At kahabaan ng Sta. Maria St. mula Morga St. hanggang Concha St.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na maghanap o dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta. (ANDI GARCIA)

The post Road closure sa ilang kalye sa Maynila sa June 24 – MPIO Chief Atty. Princess Abante appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Road closure sa ilang kalye sa Maynila sa June 24 MPIO Chief Atty. Princess Abante Road closure sa ilang kalye sa Maynila sa June 24  MPIO Chief Atty. Princess Abante Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.