Facebook

KAKAMPING TOTOO NATIN SA KONGRESO, CONG. ERWIN ‘WINONG’ TULFO

BAGO muna ang lahat ay Happy 20th Anniversary sa ating minamahal na pahayagan, Police Files Tonite, ang numero unong tabloid newspaper circulated nationwide.

More years to celebrate, Congratulations!
***
I joined our media colleagues in welcoming our kapatid sa pamamahayag, former Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo nominee of Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) partylist.

Tama ang ginawa ng Commission on Elections (Comelec) nang ibasura ang motion for reconsideration ng abogadong kumontra sa pag-upo ni Partner Cong. Erwin sa Kongreso.

Matatandaan, noong Mayo, nanumpa na sa tungkulin si Rep. Tulfo pero di agad nakaganap sa tungkulin, dahil nga sa disqualification case ni Atty. Moises Tolentino – noong ngang Hulyo 12, ibinasura na ng poll body.

Sa desisyon ng Comelec, ito ang sinabi: nai-file ang motion isang araw, matapos ang May 29 deadine, ibig sabihin, prescribe na, paso na at hindi na maaaring dinggin pa ang pagkontra ni Tolentino.

Batay sa Comelec Resolution No. 9366, ang desisyon ng 2nd Division na pabor sa pag-upong partylist representative ni Cong. Erwin ay “final by operation of law” at hindi na mababago pa.

Wala na sa kamay ng Comelec ang kaso ni Erwin, kasi nga, naiproklama nang wagi noong May 2022 ang ACT-CIS.

Pinalitan niya si 3rd nominee Jeffrey Soriano na nag-resign noong Pebrero 2022, at dagdag ng poll body, kung may nais pang tutulan ang pag-upo ni Cong. Erwin, ito ay dapat iharap sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).

Puspos naman ng pasasalamat si Rep. Tulfo sa lahat ng sumuporta sa kanya, lalo na kay Speaker Martin Romualdez na malugod na tinanggap siya sa Kamara de Representantes.

At tandaan, pitong miyembro ng Comelec en banc ay pumabor na paupuin sa Kongreso si Cong. Erwin – na alam natin na sa mga susunod na sesyon sa Kongreso ay lalahok nang mainam sa debate, talakayan upang isulong ang kagalingan at kapakanan ng mamamayang Filipino.

Inihayag niya ang buong suporta sa liderato ni Speaker Romualdez at iaalay ang sariling talino, kakayahan at karanasan natamo noong siya ay DSWD secretary para mabigyan ng panukalang batas na makatutulong sa pagbangon ng bansa.
***
Adbokasiya na isusulong ni Cong. Erwin ay kung paano mapagagaan ang hirap sa buhay ng milyon-milyong kapos-sa-buhay, maayos na serbisyong medikal, de-kalidad na edukasyon, hanapbuhay at ang paglaban sa korapsiyon.

“Makaaasa po kayo na ako po ang magiging kakampi ng mahihirap at ng inaapi sa Kongreso, katulad nang matagal ko nang ginagawa,” sabi ng makisig nating kapatid sa media.
***
Sa pagpabor ni Comelec Commissioner Ernesto Maceda, sinabi niya na ang DQ case laban kay Cong. Erwin ay “out of time”, ibig sabihin, wala sa panahon, at hindi dapat na pakinggan pa.

At hindi na pwedeng gawing basehan na idiskwalipika si Cong. Erwin sa conviction sa kasong libel kasi binayaran na nito ang multa o penalty na iniutos ng Supreme Court.

At ayon sa election code, ang bisa ng disqualification penalty ay nawawalang bisa matapos ang limang taon, matapos na maisilbi ang parusang multa.

Noong Pebrero 2016, nabura na ang pasurang disqualification kay Cong. Erwin na ito ay sinang-ayunan nina Commissioner Socorro Inting at Commissioner Aimee Ferolino.

Hindi sumali sa deliberasyon ng Comelec en banc si Comelec Chair George Garcia sa dahilan na siya noon ang abogado ng ACT-CIS partylist.

Ikaapat si kapatid Erwin na nakaupong mambabatas – senador ang kapatid niyang si Raffy; kongresista ng ACT-CIS partyist ang hipag niyang si Jocelyn, at kongresista ng 2nd district ng Quezon City ang pamangking si Ralph.

Mula sa amin na iyong mga kapatid sa pamamahayag, buo ang aming suporta sa inyo po, Cong. Erwin Tulfo, at mapalad ang taumbayan dahil mayroon na namang isang kakampi ng masa sa Kongreso ang mahihirap, inaapi at kapos-sa-buhay na pamilyang Filipino.

Congratulations, mabuhay po kayo, Cong. Erwin ‘Winong’ Tulfo!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post KAKAMPING TOTOO NATIN SA KONGRESO, CONG. ERWIN ‘WINONG’ TULFO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KAKAMPING TOTOO NATIN SA KONGRESO, CONG. ERWIN ‘WINONG’ TULFO KAKAMPING TOTOO NATIN SA KONGRESO,  CONG. ERWIN ‘WINONG’ TULFO Reviewed by misfitgympal on Agosto 07, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.