Facebook

Covid update: 9,418 gumaling; 29 nasawi; 2,113 bagong kaso

LAGPAS pa rin sa mahigit dalawang libong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, Pebrero 28 matapos makapagtala ng 2,113 na karagdagang kaso.
Samantala ay mayroon namang naitalang 9,418 na gumaling at 29 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (29,763) ang aktibong kaso, 92.7% (534,271) na ang gumaling, at 2.14% (12,318) ang namatay.
Mayroon namang 8 duplicates na kinailangang tanggalin sa total case counts sa ginawang paglilinis ng mga datos kung saan mula sa bilang na ito, dalawa ang recoveries.
Bukod dito, 10 ang na-tag na recoveries ang na-reclassify na pumanaw matapos ang ginawang validation.
Samantala, isa na lamang sa mga laboratory sa bansa ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa CDRS, isang araw bago ilabas ang daily case bulletin update. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 9,418 gumaling; 29 nasawi; 2,113 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 9,418 gumaling; 29 nasawi; 2,113 bagong kaso Covid update: 9,418 gumaling; 29 nasawi; 2,113 bagong kaso Reviewed by misfitgympal on Pebrero 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.