Facebook

DAVAO COCOLIFE TIGERS RARAMBOL NA SA SUBIC BUBBLE VS BASILAN NGAYON

SA wakas ay matutuloy na ang misyong tagumpay ng team Davao Occidental Cocolife Tigers sa pag-arangkada ng kanilang hakbang upang tapusin ang naudlot na rubbermatch kontra Basilan sa south division finals ng MPBL Lakan Cup sa Subic bubble.
Matapos makamit ang go -signal mula Inter-Agency Task Force (IATF) Fight Against Covid-19 para sa Maharlika Pilipinas Basketball League ay balik-aksiyon ang liga sa hardcourt.
Ang mga koponang kinabibilangan ng Davao Occidental at Basilan ay magtutuos sa south habang ang San Juan kontra Makati ay sa norte magbabakbakan sa kanilang titulo sa dibisyon sa isang do-or-die game kung saan natigil ang kabanata isang taon na ang nakaraan dahil sa pandemya.
Ang koponang Tigers ni Rep Claudine Bautista ng Davao Occidental na suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay handa nang maghasik ng bangis sa bubble at ituloy ang misyong kampeonato nasyunal sa ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.
Ang powerhouse team mula Mindanao na binubuo ng subok at bateranong sina Mark YeeBonbon Custodio,Billy Robles, Emman Cal,Bogs Raymundo, Gerwin Gaco, Joseph Terso, Harry Bonleon,Ronald Lamocha katuwang ang matalas na bagitong sina Yvan Ludovice,Richard Albo,Kenneth Mocon, Chester Saldua at Marco Balagtas ay kailangan munang idispatsa ang palabang ka-Mindanaoan na Basilan sa larong ‘win-or-go-home’ ngayong hapon at ung papalarin ay aabante na para sa national campionship series simula Marso 12 kakalbanin ang magwawgi sa bakbakang San Juan kontra Makati.
“Our Tigers are raring to roar now at the Subic bubble”,pahayag ni team manager Dinko Bautista na katuwang sina deputy manager Ray Alao, basketball operation head Bong Baribar at buong coaching staff sa kanilang marubdob na paghahanda sa bubble mula virtual training at physical conditioning ng team noon pang panahon ng lockdown.
Maninibago lang ang crowd drawer na Tigers na lalaro ngayon nang walang audience dahil sa mahigpit na health protocol na ipinatutupad ng IATF.(Danny Simon)

The post DAVAO COCOLIFE TIGERS RARAMBOL NA SA SUBIC BUBBLE VS BASILAN NGAYON appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DAVAO COCOLIFE TIGERS RARAMBOL NA SA SUBIC BUBBLE VS BASILAN NGAYON DAVAO COCOLIFE TIGERS RARAMBOL NA SA SUBIC BUBBLE VS BASILAN NGAYON Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.