Facebook

Menor de edad nadenggoy ng P1m ng ‘Dugo-Dugo’

NAKUHANAN ng aabot sa P1 milyong halaga ng alahas ang isang menor-de-edad sa Pasig ng “Dugo-Dugo” gang.
Sa ulat, nag-iisa sa kanilang bahay ang 12-anyos na biktima nang makatanggap ng tawag na nagsabing nakaaksidente ang kanyang ama sa kalsada.
Sabi umano ng tumawag sa bata na kulang ang pera ng kanyang ama pambayad nito sa nabangga, at inatasan ng tumawag ang bata na dalhin ang safe box sa Monumento.
Mag-isang bumiyahe ang bata mula Pasig papuntang Monumento at nakipagkita sa isang babae. Nang makita na walang pwedeng pitasin sa safe box ay pinauwi muli ng babae ang bata para kumuha ng mahahalagang kagamitan tulad ng alahas.
Sa Quezon City na sunod na nagkita ang bata at ang babae.
Nang makuha na ang mga alahas ay pinauwi na ng suspek ang bata at sinabihan pang i-hang ang telepono para hindi na guluhin ng nabangga ng kanyang ama.
Alas-6:00 na ng gabi nang malaman ng mga magulang ng bata ang nangyari.
Ito umano ang unang beses na naiwan ang bata na mag-isa sa kanilang bahay dahil kinailangan niyang dalhin sa doktor ang asawa at anak na sanggol pa.
Inaalam pa ng pamilya kung paano nalaman ng salarin ang mga personal na impormasyon sa bahay nila maging ang oras na walang kasama ang bata.
“Natakot po ako at naiyak din po ako kasi na-guilty ako na na-scam ako. ‘Yung mga pinaghirapan po ng parents ko nasayang din po,” ayon sa bata.
Sa kabila nito nagpapasalamat naman ang pamilya na walang nangyaring masama sa dalagita.

The post Menor de edad nadenggoy ng P1m ng ‘Dugo-Dugo’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Menor de edad nadenggoy ng P1m ng ‘Dugo-Dugo’ Menor de edad nadenggoy ng P1m ng ‘Dugo-Dugo’ Reviewed by misfitgympal on Marso 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.