NAHUKAY ng militar at pulisya nitong Miyerkoles ang mga kalansay ng tatlong tao na pinatay umano ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) sa Davao city.
Kinumpirma ng mga kaanak ang mga nakitang biktima at nagsagawa rin ng DNA test ang mga awtoridad.
Nakilala ang isang kalasansay na si Dandy Mallorca Rivera na nadiskubre sa Purok Culape, Brgy. Mapula, Paquibato district. Taon 1999 pa nai-report na missing si Rivera, ayon sa kanyang kapatid.
Ang dalawa pang kalasansay ay nahukay sa Brgy. Panalum, Paquibato district. Kinilala itong sina Ariel Peletos at Adelio Suganan Ramirez na parehong nawawala mula Setyembre 2014.
Sinumbong umano ng ilang residente sa barangay na may nakita silang mga nililibing na tao.
Iniimbestigahan pa ng mga sundalo kung sino-sino ang mga sangkot sa pagpatay sa tatlo.
The post 3 kalansay ng NPA nahukay sa Davao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: