KUMAYOD ng 40 puntos si Kyrie Irving upang pamunuan ang Brooklyn Nets sa 121-109, wagi laban sa makulit na Boston Celtics kahapon sa New York.
Umayoda si James Harden ng 22 points 10 rebounds para sa Brooklyn, na umangat sa 25-13 win-loss record pang 12th win sa 13 laro. habang si Landry Shamet nagdagdag ng 18 points at kapwa reserved Jeff Green nagtapos ng 11. Joe Harris 12 points para sa Nets na nagtagumpay kahit wala si Kevin Durant at newcomer Blake Griffin.
“We have a multitude of guys who can take us home and carry it out, and we trust in them,” Wika ni Shamet. “It’s just a matter of us putting an entire game together and putting us in the best position possible.”
Jayson Tatum umiskor ng 31 points para sa Boston na naputol ang winning streak sa four-game,Marcus Smart nagdagdag ng 19 points, Daniel Theis bumakas ng 17 at Jaylen Brown nag-ambag ng 13.
“That’s a really good team,” Tugon ni Tatum. “A couple of us didn’t shoot it well so obviously there’s some things we could do better.”
Ang Celtics ay bibiyahe sa Houston sa Linggo,habang ang Nets ay host ang Detroit sa Sabado.
The post Nets wagi vs Celtics appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: