‘NAPAKATAHIMIK’ na mambabatas si Senador Manny Pacquiao.
Simula nang maging senador ito sa unang pagkaataon noong 2016 ay bihira kong ito mabalitaang aktibung-aktibo sa kanyang trabaho sa Senado.
Matatapos ang kanyang termino sa Hunyo 30,2022, pero “kuwalipikado” pa siyang tumakbo sa eleksyon sa 2020 tulad ng ilan sa kapwa niya mga senador na unang beses tumakbo noong 2016.
Kung tatakbo uli siyang senador sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino – Laban ng Bayan (PDP – Laban), siguradong panalo siya kung totoo ang resulta ng mga sarbey.
Kung posisyon sa pagkapresidente ang tudla niya, talo na si Pacquiao kung paniniwalaan natin ang resulta ng mga sarbey.
Kahit ako at mga botante sa pamilya ko ay hindi ibobotng pangulo si Pacquiao.
Bukod sa hindi masipag si Pacquiao sa Senado sa nakalipas na anim na taon at hindi rin siya masipag noong kongresista siya, nabatid kong walang saysay ang mga pananaw niya sa mga isyu at suliranin ng ating pamahalaang at lipunan.
Nakumbinsi akong walang mangyayari sa ating bansa kung ang boksingerong si Manny Pacqiuao ang pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30,2022 hanggang Hunyo 30, 2028.
Sa suliranin na lamang ng katiwalian, korapsyon at pandarambong sa pamahalaan, hindi ko nabalitaang sumali siya sa mga senador na bumatikos sa mga tiwali, korap at mandarambong sa amahalaan.
Alam ba ninyong si Pacquiao ang pangulo ngayon ni PDP – Laban na dating posisyon ni Senador Aquilino Pimentel III?
Nakakagulat nga e.
Pero, ganyan talaga ang buhay.
Nagpulong daw ang ilang opisyal ng PDP – Laban ilang araw na ang nakalipas, ayon sa isang kongresistang deputy speaker ang ranggo.
Sa nasabeng pulong, ipinaikot ang resolusyon ng PDP – Laban na humihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong bise – presidente sa 2022.
Malakas daw ang suporta ng panawagang ito dahil 30 kasapi ang lumagda sa resolusyon.
Umiikot na rin sa Visayas at Mindanao ang parehong resolusyon.
Si Duterte ang tagapangulo (chairman) ng PDP – Laban.
Walang nakasulat sa naturang resolusyon kung sino ang patatakbuhin nitong pangulo.
Sa pagpunta ni Duterte sa isang lalawigan sa Mindanao, diretsahan niyang sinabi sa mga opisyal ng pamahalaang lokal na si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang pangulo niya.
Pokaragat na ‘yan.
Maliban sa pagiging miyembro ng PDP – Laban, sagad – saring ‘bata’ ni Duterte si Go mula nitong nakalipas na mahigit 20 taon.
Napansin n’yo naman siguro na senador na si Go, pero regular pa rin siyang nakadikit kay Duterte.
Ilang ulit naman sinabi ni Go sa media na huwag munang pag-usapan ang eleksyon dahil hindi iyan ang nagaganap sa bansa ngayon.
Ayon kay Go, ang problema sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) muna ang pagtuunan ng pansin ng mga opisyal ng pamahalaan.
Ngunit, nabanggit sa isang balita ng Daily Tribune na “papayag” lamang si Go na tumakbong pangulo sa halalang 2022 kung si Duterte ang kanyang bise – presidente.
Pokaqragat na ‘yan!
Nabanggit din sa nasabing istorya at sa balita ng iba pang pahayagan na numero uno sa sarbey ng Pulse Asia mula Pebreo 10 hanggang Pebrero 19, 2021 ang tambalang Go – Duterte.
Pumalo sa 32 porsiyento ang iskor nito sa mga respondent ng sarbey.
Ibinalita naman ng Philippine News Agency (PNA) na 32 porsiyento rin ang nakuhang puntos ng tambalang Poe – Sotto (Senadora Mary Grace Poe at Senate President Vicente Sotto III).
Sumunod sa kanila ang tambalang Marcos – Pacquiao (dating Senador Ferdinand Marcos Jr. at Senador Manny Pacquiao) sa iskor na 18%.
Sa mga nakalipas na araw masyadong ‘mainit’ ang pangalan ni Go kumpara kay Pacquiao dahil pangalan ni Go ang itinatambol ng ilang opisyal ng pamahalaan at PDP – Laban.
Nangangahulugan bang inilaglag ng PDP – Laban si Manny Pacquiao?
The post Pacquiao, ‘inilaglag’ na ng PDP-Laban appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: