“ITULOY ninyo ang practice ng basic health protocols kahit sa loob ng bahay.”
Ito ang payo ni Manila Mayor Isko Moreno sa gitna ng mga ulat na ang hawaan ng nakamamatay COVID-19 virus ay sa loob na ng pamilya at tahanan.
“Ang hawaan sa ngayon ay pami-pamilya na. Kung pabaya ka, iuuwi mo sa bahay tapos di kayo susunod sa protocol… Mag-asawa kami, magkakaanak kami, pami-pamilya kami. ‘Yun ang problema dahil diyan, di na sinusunod ang minimum health protocols sa loob ng tahanan,” sabi ni Moreno.
Ganito rin ang parehong ulat na inere ng mga health authorities at ibang local government officials sa Metro Manila sa gitna ng pagtaas kamakailan ng COVID cases sa maraming bahagi ng bansa kabilang na ang National Capital Region.
Idinagdag pa ng alkalde na: “Unless for the past 11 months ay di ka lumabas ng bahay which is near impossible or you have not interaatcted with people outside of your residence…basta me interaction ka outside, there is a high probability you may acquire the deadly disease.”
Samantala ay hinikayat ng alkalde ang publiko na huwag paniwalaan ang lahat ng nakikita nila sa social media o chat groups kaugnay ng lockdowns.
“Huwag kayong maniwala sa kung ano-anong organisasyon.Kunin ninyo ang data sa Manila Health Department with regard to infections in the city, any district or barangay, hindi ‘’yung grupo-grupo lamang,” ayon pa kay Moreno.
Ginawa ni Moreno ang pahayag matapos na kumalat ang isang text message na nagsasabi na ilang lugar sa Maynila ang inilagay sa lockdown dahil sa mataas na COVID-19 cases at ito ay nagsi-circulate sa social media kamakailan at pinapayuhan ang publiko na huwag magpunta sa nasabing mga lugar.
Maliban pa sa MHD, sinabi ni Moreno na maaaring malamann ang tama at totoong impormasyon kaugnay ng nga COVID-related developments sa lungsod sa kanyang live broadcasts na palagiang ineere.
“Wala sa chat ang tamang impormasyon. Ang chat, walang magagawa sa inyo.Maging mapagsiyasat tayo,” giit pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)
The post ‘Practice basic health protocols, kahit sa loob ng bahay’ – Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: