Facebook

Publiko pinag-iingat ni Bong Go sa scammers na gumagamit sa kanyang pangalan

KASUNOD ng pagkakaaresto sa isang indibidwal na nagpapakilalang konektado sa tanggapan niya para makapangikil ng pera sa mga negosyante at pribadong indibidwal, nagbabala si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na mag-ingat sa mga scammer na gumagamit sa kanyang pangalan.

“Pinapaalalahanan ko po ang ating mga kababayan: huwag po tayo magpaloko. Kung walang magpapaloko, hindi mananaig ang mga manloloko,” ayon kay Go.

“Para naman sa mga manloloko, maawa naman kayo sa kapwa ninyong Pilipino. Nasa gitna tayo ng krisis, gamitin n’yo sana ang oras ninyo para tumulong kaysa gumawa ng kalokohan,” aniya.

Nanawagan si Go sa mga awtoridad na lansagin ang mga impostor na gumagawa ng iligal at masama sa kapwa sa pagsasabing hindi sila kukunsintihin ng Duterte administration.

“Magsumbong po kayo. I-report ninyo. Galit tayo sa mga manloloko. Kapag hinayaan natin mga ‘yan, mas marami pa ‘yang mabibiktima,” giit ni Go.

“Lahat naman tayo gusto makaraos sa hirap, lalo na sa panahon ng krisis. Pero gawin natin ito sa paraang hindi nanlalamang o nangsasamantala ng kapwa. Ang bayanihan natin at pagmamalasakit sa kapwa ang kailangan upang malampasan ang mga pagsubok na ating hinaharap,” ang apela niya.

Nitong Huwebes ay nadakip ng National Bureau of Investigation-Special Operations Group (NBI-SOG) ang isang lalaki na nagpapakilang konektado sa opisina ni Go para mang-extort sa mga negosyante.

Ang suspek na si John Carlos Garcia ay nakapambiktima na sa Albay, Laguna, Quezon at Rizal.

Nadakma ng NBI si Garcia sa isang resort sa Bolinao, Pangasinan nitong March 10, 2021, gamit ang sasakyan na binili niya sa isa kanyang nabiktima.

“Gaya ng sinabi ko noon, kung may tauhan, kaibigan o kamag-anak kami na gagamit ng pangalan namin ni Pangulong Duterte para sa sarili nilang interes, dapat automatic denied iyan.”

“Kung mayroon naman kaming staff na pumapasok sa negosyo para rin sa sarili nilang interes, automatic tanggal iyan sa trabaho,” sabi ni Go. (PFT Team)

The post Publiko pinag-iingat ni Bong Go sa scammers na gumagamit sa kanyang pangalan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Publiko pinag-iingat ni Bong Go sa scammers na gumagamit sa kanyang pangalan Publiko pinag-iingat ni Bong Go sa scammers na gumagamit sa kanyang pangalan Reviewed by misfitgympal on Marso 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.