RAMDAM na sa bawat sulok ng bansa ang nalalapit na pambansang halalan sa Mayo 2022.
Lahat ng mga pumupusturang pulitiko ay para ng mga turompo sa kakaikot.
Gaya nitong si Senate president Tito Sotto na atat na atat nang maging bise presidente.
Imagine from a very chaotic teenage life sa Quezon City noong dekada sesenta,ngayon,nangangarap na para sa ikalawang pinakamataas na posisyon ng bansa.
Yan po si Tito Sotto na di po natin mawari kung paanong nailuklok bilang Senate President kahit pa nga nasa Senado rin the likes of Sen.Dick Gordon na para sa atin ay more dignified and stateman person.
Pero everything now is water under the bridge,wala na tayong magagawa dyan.
Dahil dito sa Pinas,sikat ka lang at nakikita sa telebisyon araw araw puwede ka ng maging senador ng bansa hahaha.
Di bale ng bulok ang iyong pagkatao at warak ang iyong dignidag.
Lahat naman nyan ay natatabunan ng good looks at magagarang damit at porma.
Yaong mga asal demonyo at salbaheng tao ay nagiging desente at marangal sa mata ng publiko.
Going back to Tito Sen,kalakad nito si Sen.Lacson sa pag-iikot sa buong bansa in disguise of consulting the people.
Pero wag ka,ang tawag talaga sa ginagawa nina Lacson at Sotto ay “premature campaigning.
Sa halip bumalangkas ng mga batas na tutulong sa Senado para makatulong sa subsob na estado ng pamumuhay ng mga Pilipino,ayun ang dalawang kolokoy at pilit nambobola sa mga bobotante sa malalayong lugar.
Dahil malaki ang gastos sa pag-iikot sa buong bansa,tiyak nakapag-advance na ito sa mga kilalang campaign donors na mostly notorious ang pagkatao.
Sino naman ang makakalimot sa bestfriend ni Tito Sen na noo’y bise alkalde pa lamang ng Kyusi.
Yun bang nakatira sa Teachers Village na nasa OB ng ISAFP dahil bigtime drug lord pala.
Paano kung manalo sina Ping at Tito bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo?
Ano na magiging estado ng Pinas?
Balik tayo sa tinaguriang “election fever” na sinasabi natin,ito rin ba ang dahilan kung bakit tila biglang luwag ang mga local politicians patungkol sa illegal gambling at iba pang kalokohan.
Simple lang naman ang rason,lahat nangangailangan ng pondo para sa nalalapit na halalan.
Lahat nangangailangan ng kuwarta!
Wala ng keber kung “dirty money man yan o drug money”,ang importante PERA!
Hehehe…Marami na naman Intsik na nagwiwithdraw ng milyones mula dyan sa Binondo Central Bank.
In short,active na naman ang mga iligalista sa pagpi-finance ng mga alaga nilang pulitikong kupal.
No exemption,sa local man o national level.Kaya expected na ngayon Kapaskuhan,babaha ng kuwartang ipapamahagi ng mga pulitiko para sa panliligaw ng boto.
Napakarami ng Barangay Kapitan at mga Kagawad ang pinapatawag para alamin kung magkano ang budget para isang massive vote-buying.
Yes po,sa grassroot level mag-uumpisa ang isang organisadong highend vote-buying ngayong darating na election.
Tulad lang sa pamamahagi ng ayuda.
Kaya kayong mga barangay officials,congrats po at masaganang ani na naman ang nag-aantay sa inyo tulad ng dating halalan.
But this time around,mas masaganang elekson ang inaasahan.
Di ko na po babanggitin pa ang mga katagang “VOTE WISELY’ dahil alam ko naman po lahat kayo ay WISE hehehe!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Election fever appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: