TULOY na ang pag-arangkada ng PBA Season 46 at gaganapin ang opening bukas, Hulyo 16, Biyernes sa YNARES SPORTS ARENA, Pasig City, approved by Inter-Agency Task Force (IATF) in cooperation with Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and Games and Amusement Board (GAB) in a closed circuit set up sa mahigpit na protocols. Syempre aprubado na rin kay Pasig City Mayor VICO SOTTO.
Nasunod na rin ang target ng PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) na makapag-bukas ang liga sa pagitan ng July-August dahil na rin sa kooperasyon ng lahat kina Commissioner WILLY MARCIAL at GAB Chairman ABRAHAM ‘BAHAM’ MITRA. Nasa 95 % na ang nabakunahan sa concerned individuals, (coaches, players at staff) ng solo professional league sa bansa. Naurong ang petsa ng opening noong nagdaang Abril dahil sa biglang pagtaas ng Covid cases report.
Ang target na 2-Conference Season 46 ay aabangan safinal approval. Unang aarangkada ang Philippine Cup at sana nga aymaisunod ang 2nd conference na may mga import. Exciting ang pagsulpotng new rookies mula sa draft at maraming surprises ang bawat koponanngayong 46th Season kahit dumaraan tayo sa restrictions ng pandemic.
Isasailalim sa important testings ang players 3 days before opening at ipatutupad ang regular testing cycle every 10 days to ensure safety. Magkakaroon ng online system ang PBA para sa monitoring ng galawan dahil closed-circuit ang set-up ngayon na iba sa nagdaang bubble setting ng Season 45 sa Clark, Pampanga. Fine and/or suspension ang parusa sa lalabag. May kasado namang protocols sakaling may lalabas na positibong kaso. Well, good luck po sa Bayang Basketbolista!
GIO JALALON PALIT- TROY ROSARIO?
DAHIL sa paglabag ni MAGNOLIA HOTSHOTS starplayer GIO JALALON na paglalaro sa ibang team labas sa team niyang kinabibIlangan sa PBA, nasa trading list na pala siya. Interesado naman kay GIO ang
TROPANG TEXTERS samantalang kursunada ng HOTSHOTS si TROY ROSARIO. Yun lang, balita ring naghahanap ang TNT ng posibleng replacement ni JASON CASTRO na injury-prone na raw. SI JALALON na nga ba ang ipapalit thru trade? Kulang na sa big man ang TNT kaya mahirap ding desisyunan ito.
Nagretire na po si MARK PINGRIS at baka raw nasa one year na lang kung sakali ang paglalaro si RAFFY REAVIS. Obvious na kailangan ng HOTSHOTS ang additional big men. Kung kakagatin ng TNT na ipalit si TROY para sa kursunadang pointguard na si JALALON, aabangan.
Malay po natin, maraming pwedeng mag-transpire. Basta, ‘TULOY ANG LABAN!’ yan ang sigaw natin sa Pinoy’s favorite pastime, basketbol!
JULY HEYDAYS
HAPPY BIRTHDAY to CHRISTINE G. FULAY, MARJORIE ANNE N. SANTOS of Cavite, AISLE JHOY P. RAMONAL of Taytay, Rizal, IMELDA OLVIDO of Mandaluyong, to Mam LORNA M. BAUTISTA and Sir JULIUS RALPH T. SAMSON both of AUPC Faculty.. Best blessing be with all of you. HAPPY READING!
The post PBA SEASON 46, LARGA NA! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: