Facebook

Powerlifter Achele Guion kwalipikado sa Tokyo Paralympics

POWERLIFTER Achele Guion ang naging pang-anim na Filipino athlete na kwalipikado sa Tokyo Paralympics sa susunod na buwan matapos makakuha ng puwesto sa pamamagitan ng bi-partite approval.

Kinumpirma ni Francis Diaz, countrys chief de mission to the Para games, kahapon July 14, na natanggap nila ang development Martes ng gabi.

Si Guion ay three-time silver medalist sa Asian Para Games, nagwagi sa 2020 Guangzho, 2014 Incheon at 2018 Jakarta editions.

Sumabak rin siya sa 2012 London Olympics at sixth palce sa women’s 44kgs.

Ang 29-year-old veteran ay makakasama sina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, athletics’ Jerold Magliwan at Janette Acevedo, at taekwondo jin Allain Ganapin sa Para Games na nakatakda sa August 24 to September 5.

Ang bansa ay nagwagi ng dalawang bronze medals sa Paralympics- mula kay Adeline Dumapong sa 2000 Sydney at table tennis veteran Josephine Medina sa 2016 Rio Olympics.

Dahil sa kwalipikasyon ni Guion, ay nalagpasan ng bansa ang number of qualified athletes sa 2016 Rio Para Games kung saan limang atleta lang ang sumabak sa Brazil.

The post Powerlifter Achele Guion kwalipikado sa Tokyo Paralympics appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Powerlifter Achele Guion kwalipikado sa Tokyo Paralympics Powerlifter Achele Guion kwalipikado sa Tokyo Paralympics Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.