Facebook

No. 1 Most wanted ng Minda, huli sa Batangas

TANAUAN – Arestado ang 24 anyos na lalaking itinuturing na Top 1 Most Wanted Person Provincial level sa ikinasang operasyon sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Romy Dakias y Dayao, isang security guard, tubong Sitio Bangkong, Brgy. Bugso, Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat at residente ngayon ng of Sitio Dayapan Brgy Bilog Bilog, Tanauan City.

Ayon sa Tanauan CPS, nahaharap si Dayao sa kasong 2 counts of Statutory Rape.

Sa report, naganap ang insidente noong Agosto 2019 sa Sultan Kudarat kung saan inireklamo ito ng biktimang babae.

Sa bisa ng warrant of arrest isinilbi kay Dayao ng pinagsanib na puwersa ng Senator Ninoy Aquino PNP at Tanauan CPS.

The post No. 1 Most wanted ng Minda, huli sa Batangas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
No. 1 Most wanted ng Minda, huli sa Batangas No. 1 Most wanted ng Minda, huli sa Batangas Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.