HUMIHINGI ng halos $22,000 dollars ang isang domestic worker sa employer nito sa Hong Kong na inireklamo nito ng sexual harassment.
Isinampa ang kaso ng equal opportunities commission na kumakatawan sa nasabing Pinay.
Ibinunyag ng Pinay na hindi muna pinangalanan na nagsimula siyang magtrabaho sa bahay ng employer niyang guro sa Yuen Long area at nakaranas ng sexual harassment sa pagitan ng Oktubre 2017 hanggang Enero 2019.
Kabilang, aniya, sa ginawa ng employer niya ang pagpapakita ng nakahubad at pinaglalaruan ang maselang bahagi ng katawan nito gabi-gabi matapos ang hapunan nila lalo na nang umalis ang asawa at mga anak nito patungong Canada noong Hunyo 2018.
Inamin ng Pinay na hindi siya umalma dahil sa takot na mawalan ng trabaho lalo pa’t sinusuportahan niya ang tatlong anak niya at kanyang mga magulang. Subali’t napilitang tapusin ang kanyang kontrata noong Pebrero 2019 nang hilingin ng employer na “paligayahin” niya ito gamit ang kanyang mga kamay kapalit ng plane ticket mula Pilipinas pa-Hongkong matapos ang maikling bakasyon.
The post OFW kinasuhan ng sexual harassment ang employer appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: