Facebook

Titser nakaimbento ng Module Disinfecting Machine

NAGA CITY – Dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa edukasyon, naging flexible ang ilan sa mga guro bukod sa paggamit ng modules para maitawid ng ligtas ang pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral.

Isa na rito ang naimbento ni teacher Jhomar Jaravata ng Bula National High School na Module Disinfection Machine.

Ayon sa guro, hango sa kaniyang pangalan ang naimbento niyang proyekto na J.H.O.M.A.R o Jeepney –typed Health Protection Machine Applying Robotics.

Sa pamamagitan, aniya, ng machine na ito ay hindi na kinakailangan pang ibilad sa araw o sabuyan ng disinfectant isa-isa ang mga ipinamimigay na module. Dito, isasalang ang mga module para ang makina na mismo ang mag-disinfect gamit ang disinfectant chemical at UV lights.

Kaya aniya nitong i-disinfect ang nasa 19,200 modules sa loob ng walong oras.

Hinangaan naman ng mga kapwa guro at ng pamunuan ng Bula National High School ang imbensyon na ito ni Jhomar na aniya’y magsilbi sanang inspirasyon sa iba na huwag tumigil sa paglikha ng mga kapaki-pakinabang na bagay lalo na ngayong may pandemya.

The post Titser nakaimbento ng Module Disinfecting Machine appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Titser nakaimbento ng Module Disinfecting Machine Titser nakaimbento ng Module Disinfecting Machine Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.