CAGAYAN VALLEY – Tuluyan nang tinalikuran at sumuko sa mga otoridad ang finance officer ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Tamban, Alcala, Cagayan.
Pansamantala itinago sa pangalang Ka Benjie ang sumukong rebelde, 64 anyos, at naninirahan sa nabanggit na lugar.
Sumuko siya sa mga pinagsamang tauhan ng Alcala Police Station na pinamumunuan ni Lt. Orlan S. Capili, mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, Cagayan PPO; 3rd Mobile Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, at PIT-Cagayan, RIU2.
Isunuko rin ni Ka Benjie ang 55 bala ng M14 Rifle, 41 bala ng caliber 30 para sa M1 Garand Rifle; at 5 bala ng M16 Rifle.
Ayon kay Ka Benjie na dati nang sumuko sa otoridad noong 1981, hinikayat sila ni alyas Geron ng KomProb Cagayan, KRCV upang maging yunit support (YG). Dinala sila sa iba’t ibang lugar at nagsagawa ng mga lektyur at mga pagpupulong, pakikipag-ugnayan sa Sto. Niño, at sa iba-ibang barangay ng Alcala West.
Inilantad ni Ka Benjie na nagsilbi siya bilang Finance Officer ng yunit suport mula 1981 hanggang 1988 at naatasang bumili ng mga pagkain, panustos at iba pang amenities. (Rey Velasco)
The post Finance officer ng NPA, sumuko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: