Facebook

Pagpuslit ng kontrabando sa Davao City Jail huli sa CCTV

DAVAO CITY – Huli sa CCTV ang isang lalaking naghagis ng kontrabando sa Davao City Jail noong Sabado.

Sa CCTV footage ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) XI, makikita ang isang lalake na sumisilip at bumebwelo sa likod ng isang pulis na halos isang metro lamang ang agwat ang layo sa kaniya.

Nang makakuha ng tiyempo, inihagis ng lalake ang isang lalagyan ng pulbo patungo sa kabilang banda ng pader.

Nakumpiska ng BJMP XI ang lalagyan ng pulbo at nadiskubreng may lamang apat na sachet ng shabu.

Pinaghahanap pa ngayon ng mga awtoridad ang lalaking ito.

The post Pagpuslit ng kontrabando sa Davao City Jail huli sa CCTV appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpuslit ng kontrabando sa Davao City Jail huli sa CCTV Pagpuslit ng kontrabando sa Davao City Jail huli sa CCTV Reviewed by misfitgympal on Hulyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.