Facebook

‘Palpak si Lustre’

TUMAWA ng malakas ang aming kaibigan na si Ba Ipe nang tinawagan namin na ito ang hashtag ng mga bumabanat sa kanya tungkol sa mga maanghang na kolum na isinulat niya tungkol kay Leni Robredo sa pahayagang ito. “Kasama iyan sa malayang talakayan, ani Ba Ipe. “I receive as much as I give,” aniya. “Pinasisikat lang nila ako,” aniya.

Bumubula ang bibig sa galit ng maraming lenitic, o mga panatikong tagahanga ni Leni, nang tawagin ni Ba Ipe na “palpak” si Leni. Ano ang gusto nilang itawag ko kay Leni? Santa?, aniya. Nasasaktan sila sa taguri ng aming kaibigan kay Leni dahil ang totoong palpak, aniya, ay ang mga lenitic na pawang sarado ang mga utak. Aniya, hindi sila naiiba sa mga DDS na pagnakanti ay umaangat ang puwet.

“Sila ang palpak, silang mga panatiko” aniya. Sanay si Ba Ipe sa mga patutsada. “Matibay ang sikmura ko sa mga ganoon patutsada. Basta tama ang ispeling ng pangalan ko, hindi ko iindain iyan”. “Sila lang ba ang may karapatan tawagin ng kung ano ano ang taong hindi nila gusto,” paliwanag niya.

Oo nga pala, ibinalita niya na naibenta niya ang kanyang lumang auto. Kaya sumasakay lang siya ng jeep at traysikel sa paroon-parito sa mga destinasyon. Mabuti iyan sa kanyang kalusugan dahil napipilitan siyang maglakad, sabi namin.

May napansin kami sa mga bumabanat kay Ba Ipe. Maliban sa mga lenitic, kabilang sa mga umuupak sa kanya ay mga taong sumikat sa pangingikikil or abuloy. Nandiyan si Boy Solicit na galit na galit kay Ba Ipe dahil una ibinisto ni Ba Ipe ang kanyang raket noong 2019.

Hindi nakakibo si Boy Solicit dahil nagbabala si Ba Ipe na hindi lehitimo ang kanyang paghingi ng abuloy at donasyon sa mga netizen. Ito ang dahilan at may mga OFW ang kumontak sa amin upang pagsabihan kami sa modus operandi ng estafador na ito.

Galit ang isang nagkapangalan sa pangingikil ng abuloy sa mga netizen tungkol sa ano-ano niyang proyekto. Kapareho siya ni Boy Solicit.

* **

“PASSIVE politics has no strategic value,” sabi ni Ba Ipe sa aming kuwentuhan na tumagal ng 20 minuto. Walang napapala ang mga taong hindi nagpapahayag ng saloobin. Ano nga naman ang napapala ni Leni sa kanyang katahimikan kung tatakbo o hindi? Bakit iba’t ibang tao ang nagaasalita para sa kanya na magkakaiba ang linya. Tumakbo siya o hindi, maraming batikos ang kanyang aabutin. Ito ang daigdig ng pulitika.

Pero natatawa si Ba Ipe dahil defensive mode ang mga maka-Leni. Wala silang ginawa kundi salagin ang batikos. Walang matinong katwiran at personal ang mga ganti sa aming kaibigan. Kasama ang isang punong-puno ng poot ang katawan na walang ginawa kundi ang magbidabidahan sa social media. Sa kanyang paniwala gusto ni Ba Ipe na maging kingmaker. May nagsasabi na nabayaran.

Sa aming kaibigan ang narrative. Siya ang bida. Siya ang maydala ng kuwento. Sa kanyang batikos umikot ang mundo ng mga lenitic at mag estafadores. Kontrolado niya ang lahat. Parang mundo ng pro wrestling. Ang mga kontrabida ang may dala ng laban. Iitanong ninyo kay Jessie “The Body” Ventura, dating professional wrestler sa Estados Unidos.

Palpak si Lustre? Hindi. Naisahan sila ni Lustre. Nakakalamang ang mga marunong.

***

SA aming listahan, apat ang pangunahing isyu sa halalang ito: Una, ang malawakang korapsyon sa gobyerno na sa huling tantiya ay umaabot sa P1 trilyon (o isanglibong bilyon) ang nawawala sa kaban ng bayan kada taon; pangalawa, ang pangangamkam ng Tsina sa atin teritoyo sa West Philippine Sea at kawalan ng paninindigan ni Rodrigo Duterte sa isyung ito; pangatlo, ang malawakang patayan, o EJKs sa ilalim ng madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Duterte; at pang-apat ang pormal na imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa sakdal na crimes against humanity kina Rodrigo Duterte, Bato dela Rosa, Dick Gordon, Alan Peter Cayetano at iba pa.

Isinasama ng mga netizen bilang usapin ang pagpapasara sa ABS-CBN at kabiguan na palawigin ang prangkisa nito. Isa-isa nilang kinilala ang mga kongresista na responsable sa pagpapasara ng estasyon. Nangunguna si Alan Peter Cayetano na ispiker ng Camara de Representante nang ipasara iyon. Sa maikli, negative campaigning ang ibabanat sa kanila sa panahon ng kampanya. Hindi namin alam kung paano nila sasagutin ang isyu na iyan.

Negative campaigning ang pangunahing sandata sa panahon ng kampanya. Kikilalanin ang mga pro-China, pro-EJK, pro-Duterte, at kontra-ABS-CBN. Kapag may bahid ng kontra demokrasya ang isang pulitiko at mga nagbabalik pulitika, makakasira sila ng matinding batikos upang huwag ihalal ng sambayanan at kanilang nasasakupan. Samakatuwid, mahirap mabahiran ang kanilang imahe publiko ng pagiging pagiging pro-China, pro-EJK, pro-Duterte at kontra-ABS-CBN. Tingnan natin kung paano nila gagawan ng paraan ang upak sa kanila.
*
Dahil sa isinisulat namin tungkol sa panloloko ni Boy Solicitation, nakakatanggap kami ng mga detalye tungkol sa aktibidad ng kulto nila sa panggantso. Ipinapadala sa amin ang mga kopya ng bank slips ng kanilang remittance. May ipinadala ng listahan ng mga nag-ambag sa kanilang kulto. May ilang kaming detalye na napansin.

Hindi rehistrado sa SEC ang kanilang kulto. Dahil hindi sila rehistrado, wala silang sariling bank account. Ipinapasok sa bank account ng ingat-yaman (treasurer) umano ni Boy Solicit. May nagtatanong sa amin kung ano ang gagawin. Hindi kami manananggol pero maigi, ireklamo nila ang kulto sa NBI para makasuhan ng kaso na ayon sa batas. Pinayuhan namin na ipunin ang mga sipi ng bank slip. Ebidensiya ang mga iyon.

Tiningnan namin ang listahan ng mga nagbigay ng abuloy sa kulto. Pinakamalaki ang P100,000 at may nagbigay ng P10,000, P5,000, at P3,000. Magaling si Boy Solicit. Itinanong namin ang mga pangako at proyekto na ginawa ng nagbigay, wala umano maipakita si Boy Solicit. Magmamatyag kami. Hindi namin siya titigilan.
*
MGA PILING SALITA: “Kaya pala ipinilit iluklok bilang pangulo si Duterte, plano pa lang gawin pozo negro ng Tsina ang Pilipinas. ” – J R Reyes, netizen

“The thing is, when there is China’s presence, there would be feces. WPS now turned into Waste Philippine Seas. Thanks but no thanks to Duterte’s total subservience to China.” – SyLicoNgaAko, netizen, titser

“It is shameful that after such an important victory was secured which could have paved the way for regional peace, stability and cooperation, Mr. Rodrigo Duterte has chosen to call it a ‘worthless piece of paper’ fit for the trash bin. Isa itong malaking kataksilan at kaduwagan! Ang ating tagumpay ay walang silbi lamang sa mga walang silbing lider,” Dr. RJ Naguit, tagapagsalita ng Akbayan Party List Group

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post ‘Palpak si Lustre’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Palpak si Lustre’ ‘Palpak si Lustre’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.