Maganda ang pasimula ng pamumuno ni Colonel Jeff Fanged bilang Officer In-Charged OIC ng Pangasinan PNP.
Inilunsad ng workaholic Pangasinan Provincial Director Fanged ang programang KASIMBAHAYAN kung saan kasama ang KAPULISAN, SIMBAHAN at MAMAMAYAN ay magtutulungan para sa kapakanan ng lahat ng mga mamamayan ng lalawigan.
Bilang opening salvo po ng programang ito, patuloy ang tinatawag na KASIMBAYANAN Caravan sa lahat ng bayan at siyudad ng Pangasinan upang maghatid ng tulong medical, dental at iba pang ayudang puwedeng ipagkaloob ng provincial command ng PNP.
Layon din po ng caravan na ito na inilunsad ni KUYA JEFF FANGED ay mabatid ang mga hinaing at sitwasyon ng mga simpleng Juan dela Cruz sa kanilang pagdalaw sa mga pamayanang ito ng lalawigan ng Pangasinan.
A sort of face to face consultation, dialogue o kuwentuhan ng mga miyembro ng PNP, simbahan at ng taongbayan.
Very casual po talaga ang mga activities na ito na sadyang idinesenyo ng mabunying Col Fanged upang maging at ease at di naiilang ang mga ordinanryong mamamayan.
Nais ding iparamdam ni Col. Fanged na ang kapulisan ay naririyan lamang at tapat sa kanilang misyong “TO SERVE AND PROTECT” the citizenry.
Malinaw sa vision ng liderato ng Pangasinan PNP na ilapit ang pulis sa mamamayan.
Alisin ang pag-aalinlangan at takot dulot ng mga maling impresyon sa mga kapulisan ng mga nagdaang panahon.
“Kung mga mga pagmamalabis man at pag-abusong nagawa ang ating mga alagad ng batas noong mga nakalipas na panahon, those are things of the past na,”, pagdidiin ni Col. Fanged.
Hinding-hindi umano makakapangyari ang mga pang-aabusong ito under his wathch as provincial director ng Pangasinan PNP.
Bukod sa mga outreach programs na napasimulan na ng liderato ng KUYA na si Col. Jeff Fanged na may layong magkaroon ng maayos at magandang relasyon sa itinuturing nitong core groups ng isang pamayanan, binuksan din ni Col. Fanged ang linya ng komunikasyon ng kanyang tanggapan sa lahat ng lider simbahan at civic groups.
Ito ay upang mapabilis ang pagkakaloob ng serbisyo at responde ng Pangasinan PNP sa tao.
Makailang beses nga pala nating nabanggit dito sa ating artikulo ang pagiging KUYA ni Col. Fanged dahil isa nga ito sa mga pinagpipitangang miyembro ng ONE VALIANT EAGLES CLUB, ONE VALIANT NCR XIII ng The Fraternal Order of Eagles, Philippines Eagles.
Isang asosasyon binubuo ng mga kagalang-galang at reponsableng indibidwal na may masidhing pagmamahal sa bayan, hustisya, karapatan ,kalayaan at pagkapantay-pantay ng lahat.
Going back sa mga nasimulang makabuluhang gawain ni Col. Fanged sa Pangasinan PPO, hinangaan ng PNP leadership ang kanyang anti-illegal drugs at anti-criminality approach at kung paano nai-tap ang bawat stakeholders ng isang lugar upang makatulong sa layong ito.
Pati ang mga tinatawag na “force multiplier na kaagapay ng PNP at ng pamahalaan ay aktibo na ngayong sa buong probinsiya ng Pangasinan gaya ng mga barangay officials, cause-oriented groups, homeowners associations at iba pang sektor gaya ng sa transportasyon at negosyo.
Mabuhay ka KUYA Jeff Fanged sir.
Keep up the great job.
More power Colonel.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post KASIMBAYANAN NI COL. JEFF FANGED NG PANGASINAN PNP appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: