TILA nagayuma raw ang dalawang biktima na natangayan ng pera ng isang online manghuhula at mangkukulam.
Ang isa sa mga biktima, nawalan ng mahigit P1 milyon kapalit ng mga ritwal at sinasabing mga anting-anting mula sa online manghuhula/mangkukulam.
Sinabi ng biktimang itinago sa pangalang “Faye”, isang overseas Filipino worker, mahigit isang taon siyang naloko ng manghuhula.
“’Yung sinasabi niya kasi may protection… Na in case raw po sa kulam, gayuma… Masakit po sa masakit.
Nagtiwala ka and everything tapos ikaw pa ‘yung… Nanakot pa po sila,” ayon kay Faye.
Sinabi naman ng isa pang biktima na si Elvie, hindi rin tunay na pangalan, nagbabayad siya ng nasa P60,000 para sa mga bagay na katulad ng mga bato, anting-anting, gayuma, at manika.
Napilitan daw siyang bumili ng mga naturang gamit dahil nangako ang manghuhulana tutulungan sila ng kaniyang pamilya sa kanilang problema.
“Nahulog lang ako kasi parang lahat ng mga charms na sinasabi niya, mga rituals, gawin mo ‘to.
Hanggang sa naano ko na lang naubos na \yung pera ko sa tatlong bangko ko na naipon,” kuwento niya.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nakikisakay lang ang online seller sa panggagamot at panghuhula para maibenta ang kanilang mga produkto.
“Nagsisimula engagements nila sa would be victims using itong mga popular social media sites. And then may mga online sites din silang ibinabato kung nasaan nandoon yung mga, basically mga scam items na ibebenta nila,” paliwanag ni NBI Cybercrime Division Chief Supervising Agent Chris Pas.
Makikipagtulungan daw ang ahensiya sa sangkot na social media sites para matukoy ang pagkakakilalan ng mga manloloko.
The post Online manghuhula at mangkukulam nakatangay ng higit P1M sa nabiktima appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: