Facebook

Diego wala nang interes ang mga beki sa pagpapakita ng pwet sa movie; Heart ‘di binati sa kaarawan ang ex-husband na si Chiz

Ni JOVI LLOZA

TILA ang mga Maritess ay abangers sa pagbati ni Heart Evangelista sa bertdey ng ex- hubby na si Chiz Escudero.
Pero nabigo ang mga ito na makita na batiin man lang ng fashion icon ang kaarawan ng mister.
Kaya nabuo sa isip ng netizens na hiwalay na ang dalawa lalo na nga raw atnakahanap na ng apartment na matitirhan ang aktres sa ibang bansa.
Samantala, binati ng kapwa niya Senador na si Robin Padilla ang mister ni Heart na pinasalamatan naman ni Chiz.
May mga netizen na nakonsensiya kay Heart na birthday greetings na lang ay di pa nito naipagkaloob sa asawa.
Kahit pa suot ni Chiz ang wedding ring nila ni Heart.
Tahimik pa rin sina Chiz at Heart sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
***
MUKHANG nanghihinayang pa si Diego Loyzaga at naputol ang kanyang butt expose sa ginawa nitong film.
Tila sinusundan ni Diego ang yapak ng amang si Cesar Montano na nagpa-sexy din dati sa Machete.
Kung si Cesar ay nakabahag sa Machete kinabog naman siya ng anak na naghubo’t hubad.
Pero ang mga beking netizen ay parang di na interesado sa pagpapakita ng puwet ni Diego.
Malamang nga raw ay mabibitin lang sa pagpapakita ng butt at tiwtiw ni Diego tiyak daw na katya or na-cut na ‘yun.
Ikinumpara pa ng netizens na iba pa rin ang kamandag ng amang si Cesar sa mga bekiro kumpara sa anak na si Diego.
Well, well, well… ‘Yun na!

The post Diego wala nang interes ang mga beki sa pagpapakita ng pwet sa movie; Heart ‘di binati sa kaarawan ang ex-husband na si Chiz appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Diego wala nang interes ang mga beki sa pagpapakita ng pwet sa movie; Heart ‘di binati sa kaarawan ang ex-husband na si Chiz Diego wala nang interes ang mga beki sa pagpapakita ng pwet sa movie; Heart ‘di binati sa kaarawan ang ex-husband na si Chiz Reviewed by misfitgympal on Oktubre 12, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.