Facebook

Socmed Ghosts isasabak sa international release; Chase Romero kabado sa unang pagbibida sa pelikula

IPINAGMAMALAKI ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas Inc.(KSMBPI) ang kanilang pelikulang Socmed Ghosts na nalalapit na ang pagtatapos.
Tsika nga ni Dr. Michael Aragon, founding chairman ng KSMBPI, ang Socmed Ghosts ay tatalakay sa apat na social cancer ng ating bansa, climate change, extra judicial killing, poverty at child prostitution.
Inaasahang magiging kontrobersyal ang pelikula sa oras na ipalabas na ito.
Kakaiba ang Socmed Ghosts dahil pawang baguhan ang bumubuo sa cast nito. Ang mga ito ay produkto ng Socmed House: Bahay ni Direk Maiah na napapanuod na sa KRTV YouTube channel at sa FB page ng KSMBPI.
Gaganap na isa sa mga bida sa movie si Chase Romero na napanuod na sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Gumaganap si Chase bilang si Desiree na may third eye.
Sobrang saya ni Chase at iba pang talents sa malaking break na ibinigay sa kanila ng KSMBPI.
Sinabi sa panayam ni Chase na ninenerbyos anya siya sa kanyang first lead role pero excited siya sa nabanggit na pelikula.
Dagdag ng dalaga na kabado umano siya pero pagbubutihan niya para ipakita na deserve niya ang nasabing break.
Ang Socmed Ghosts ay nakalaan sa international release at harinawang makapanalo ulit ng awards sa mga filmfest sa ibang bansa. (Blessie K. Cirera)

The post Socmed Ghosts isasabak sa international release; Chase Romero kabado sa unang pagbibida sa pelikula appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Socmed Ghosts isasabak sa international release; Chase Romero kabado sa unang pagbibida sa pelikula Socmed Ghosts isasabak sa international release; Chase Romero kabado sa unang pagbibida sa pelikula Reviewed by misfitgympal on Oktubre 12, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.