Ni ROMMEL PLACENTE
NOONG Lunes, October 10 ay kaarawan ni Sen. Chiz Escudero.
Inabangan ng netizenz ang pagbati sa kanya ng misis na si Heart Evangelista, pero hindi nangyari.
Natapos nga ang October 10 ay walang paramdam sa social media ang aktres.
Ayon sa ilang netizens, mukhang nagkanya-kanya na talaga ng landas ang celebrity couple dahil sa pangdededma umano ni Heart kay Chiz sa espesyal na araw nito.
Buti pa raw si Sen. Robin Padilla ay hindi nakalimot bumati sa ika-53 kaarawan ng kapwa niya senador kung saan nagpasalamat naman sa kanya si Chiz. Pati na rin ang iba pang kilalang personalidad.
Ilang netizens din ang bumati kay Chiz at nagsabing umaasa sila na magkakaayos pa rin ang mag-asawa lalo pa’t suot pa rin ng senador ang kanyang wedding ring.
Napansin din nila na hindi pa rin binabago ng senador ang nakasulat sa profile ng kanyang IG account na: “Doting Dad. Happy Husband. Proud Public Servant.”
Samantala, sa Instagram account naman ni Heart marami ang nag-post ng tanong tungkol sa birthday ng kanyang asawa. Narito ang ilan:
“Wala man lang greetings, kumare? Sad.”
“Bakit po hindi mo binati si Chiz? Birthday niya kasi ngayon.”
“Madame, birthday po ng ex H(usband) niyo.”
Nasa Paris pa rin ngayon si Heart at balitang nakakuha na rin ng kanyang apartment doon. Mukhang tototohanin nga ng Kapuso actress ang sinabi niya na hindi muna siya uuwi sa Pilipinas dahil baka magtagal siya sa ibang bansa.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita at naglalabas ng official statement ang mag-asawa hinggil sa tunay na estado ng kanilang pagsasama. Pero marami ang naniniwala na talagang hiwalay na sila.
***
NOONG Martes, October 11 ay kaarawan naman ni Jason Francisco. May nakatutuwang birthday greetings sa kanya ang misis na si Melai Cantiveros.
Ayon kay Melai, si Jason ang kanyang “best enemy” sa tanang buhay niya.
Ngayon lang din daw niya naramdaman ang pagsasalpukan ng galit at pagmamahal na nauwi sa pagtutulungan.
Nakakatawang mensahe ni Melai (published as is), “Happy Birthday to the Best Enemy ive ever have in my Life ive never feel this hate and love collide in one collaboration [several laughing emojis].”
Dagdag pang biro ni Melai, maigi na lamang at mabuting ama si Jason sa dalawa nilang anak na sina Mela at Stela Francisco. Kung hind raw, walang mangyayaring collaboration kundi hate na lang.
Saad pa niya, “Hahahhah Char lang, mabuti nalang at tlagang Apaka buti mung Ama sa iyung mga anak dahil kung hindi tlagang, wala nang magiging collaboration ng Love and Hate, kundi hate nalang. Char lang.
‘Happy Bday Papang always remember mawala na lahat sayu andtu kami mananatiling mag iingay sa buhay mu.”
The post Melai inamin, best enemy ang hubby na si Jason appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: