Ni JOVI LLOZA
NAGING suki si Bea Alonzo na banatan araw-araw ng talent manager na si Manay Lolit na knows naman ng mga taga-showbiz.
Nag-ugat ito nang di maimbitahan sa isang presscon si Manay Lolit na may kumpas ng aktres dahilan para uminit sa kanyang paningin si Bea.
Sa kabila na inaraw-araw si Bea ng banat ay hinangaan naman ito ng netizens sa di na pagpatol sa manager.
Nakakarating nga lang daw kay Bea ang mga bira sa kanya ni Manay Lolit.
Pero never daw niya nababasa ang pagbira sa kanya.
At nalaman pa nitong may sakit si Manay Lolit kaya naman ipinag-pray na lang ni Bea na gumaling na ito sa lalong madaling panahon.
Kaya puring-puri si Bea ng netizens at nakita ang kanyang respeto sa beteranang manunulat.
Konsensya pa nga raw ni Bea kung reresbak pa siya sa mga batikos ni Manay Lolit kaya nanahimik na lang ito at nagpasyang irespeto ang nakatatanda at ipag-pray ang kanyang health.
***
MULING nag-viral ang larawan ni James Reid kasama ang CEO na kaibigan ng Careless Music na si Jeffrey Oh.
Kung dati ay pinag-usapan ang paghalik nito sa kaibigan ngayon ay may bago na namang pinagpipiyestahan ang netizens.
Sa isang beach kasi ay nagtungo sina James, Jeffrey kasama si Liza Soberano.
May isang picture na magkasama sina James at Jeffrey na parehong naka-topless sa isang beach.
Sa larawan ay makikita na pinipisil ni James ang utong or nipple ni Jeffrey.
Kaya marami ang naglaro sa kaisipan ng netizens.
Tila pinagduduhan na ang kasarian ng aktor kaya may netizens na nagsabi ano ba talaga kuya? ang ex ni Nadine Lustre.
Pero may naghuhumiyaw na nagtanggol kay James na lalakeng lalake daw ito.
Baka daw gimik lang ang kacheapan na ‘yun na pinaggagagawa ng aktor.
Hmmmp!?
Well, well, well…’Yun na!
The post James nag-viral ang pic, pinipindot ang utong ng bespren sa beach appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: