Facebook

‘Dulot ng matinding pagbaha, talupan’ —Bong Go

Dahil sa mataas na bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Paeng, hiniling ni Senator Christopher “Bog” Go na imbestigahan ng gobyerno ang mga dahilan ng matinding pagbaha na ikinamatay ng marami nating kababayan, partikular sa Mindanao.

Sinabi ni Go na ang nasabing insidente ay dapat magsilbing babala sa mga awtoridad at kailangang gumawa ng mas proactive na diskarte sa mga natural na kalamidad.

“Nakalulungkot na marami sa ating mga kababayan ang namatay dahil sa bagyong Paeng. Kaya naman hinihikayat ko ang gobyerno na alamin ang naging sanhi ng matinding pagbaha para hindi na ito maulit. Maging leksyon dapat ito sa atin,” sabi ni Go.

“Gaya rin ng palagi kong sinasabi, panahon na para magkaroon tayo ng mas proactive na approach pagdating sa mga kalamidad,” idinagdag niya.

Nanindigan si Go na dapat lumikha ang gobyerno ng mas preventative approach sa pagharap sa mga natural na kalamidad dahil sa pagiging madaling daanan ang bansa ng mga ganitong uri ng sakuna.

“Huwag na nating hintayin ang susunod na sakuna bago natin maisaayos ang ating mga imprastraktura at kung maaari sa pagresponde sa kalamidad. Alam ko na ang sambayanang Pilipino ay hindi matitinag ng kahit na anong pagsubok, ngunit hindi kailangang hayaan ang ating sarili na mabugbog nang paulit-ulit,” sabi ng senador.

Naniniwala si Go na ang ating katatagan bilang isang bansa ay masusukat din sa kung gaano kalaki ang ating mapaghahandaan sa mga krisis na ito.

Kasunod ng pananalasa ng bagyo sa bansa, dinoble ni Senator Go ang kanyang pagsisikap na itulak ang mga priority measures na naglalayong pahusayin ang national adaptability at resilience.

“Marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng mga mahal sa buhay, samantalang ang iba naman ay malubhang nasaktan at nawalan ng kabuhayan,” anang senador.

Ang mga nasalanta ng bagyo ang pangunahing priyoridad ni Go at nangako siyang patuloy na tutulong sa kanila.

Ipinahayag ng senador na patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa mga pambansang ahensya na nasa ground gayundin sa mga kinauukulang local government units upang matulungan sila sa anumang paraan na kanyang makakaya.

Samantala, isang araw pagkatapos niyang personal na tumulong sa mga biktima ng bagyo sa Cavite at sa mga nasalanta ng sunog sa Taguig City, si Go ay lumipad patungong Mindanao upang personal na pangunahan ang serye ng relief operations sa maraming biktima ng bagyong Paeng sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong Sabado.

Kasama si Senator Robin Padilla, nagsagawa sila ng relief activities sa Datu Abdullah Sangki Municipal Compound at Datu Odin Sinsuat Municipal Covered Court kung saan tinulungan nila ang 2,000 biktima ng bagyo.

Bukod sa tulong ng mga senador, nagpaabot ang Department of Social Welfare and Development ng tulong pinansyal sa bawat apektadong sambahayan.

The post ‘Dulot ng matinding pagbaha, talupan’ —Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Dulot ng matinding pagbaha, talupan’ —Bong Go ‘Dulot ng matinding pagbaha, talupan’ —Bong Go Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 06, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.