Facebook

MGA BROD NI PD FANGED ANG PROTEKTOR AT PASIMUNO NG MGA SUGALAN SA PANGASINAN

Kaya naman pala semi-legal ang mga nagkalat na sugalan sa lalawigan ng Pangasinan ay dahil sa ang tumatayong kolektor ng PAYOLA ng PNP sa nasabing police provincial command ay “bata-bata at fraternity brod nitong si Provincial Director, Colonel Jeff Fanged.

Ito ang ating nalaman mula sa isang sikat na perya operator ng probinsiya na si RENE IBASAN.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit hindi kayang hulihin ng Pangasinan PNP ang mga peryang may sugal ni IBASAN na nagkalat sa buong Pangasinan dahil sa umano’y fraternity brod rin umano ni Colonel Jeff Fanged ang mga anak ng tolonges na PERGALAN King.

Sa halip na ilihim ang kanyang “trade secrets”, ipinangangalandakan pa ito at ipinagyayabang ni IBASAN.

Pati ang umano’y nagpapakilalang bagman ng Pangasinan PNP na si S2 ay ipinagyayabang din na fraternity brod niya si Colonel Fanged.

What the fuck talaga ang ganitong sistema.

Nang dahil at porket “brod” ng provincial director, kompromiso na sa Pangasinan ang pagpapatupad ng batas?

Ganoon lang ba ‘yun Colonel Fanged sir?

Hindi lamang PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Act ang direktang nabababoy sa command ni PD Fanged kundi ang isa pang batas na may patungkol sa Republic Act 3019 o ang Anti Graft and Corrupt Practices Act dahil sa lantarang pangongolekta at pagtanggap nitong pulis na si S2 ng payola mula sa mga peryante at iba pang gambling operators ng Pangasinan.

In short, PATONG sa mga iligalista

Pagnagkataon, hindi lamang ranggo at career nitong si Colonel Fanged ang madi-disgrasya.

“RA 9287 primarily amends PD 1602 which imposes penalty to any person taking part in all forms of illegal gambling by exclusively increasing the penalties on jueteng, masiao and last two while leaving other enumerated illegal gambling activities with the same degree of penalties”.

So malinaw, tatlong sagradong batas agad ng Republika ng Pilipinas ang direktang tinatapak-tapakan lamang ni PD Fanged sa ilalim ng kanyang police command.

Hindi pa po dito kasali ang mga kasong administratibong puwedng kaharapin ni Colonel Jeff Fanged sa ilalim ng doktrinang “command responsibility”.

Ng dahil sa “barya-baryang” INTELIHENSIYA, pangalan at dignidad ni PD Fanged ang puwedeng tuluyang masira at madurog.

To set the tone straight, ibulgar natin ngayong araw na ito ang mga lokasyon ng mga peryahang may sugal na ating tinatalakay sa hurisdiksyon ni PD Jeff Fanged na pinaghaharian ng supot na si RENE IBASAN at pamilya nito;

Sa bayan ng Bugallon, Sta Barbara, Malasiqui, Mangaldan, San Jacinto, Manaoag,Bani at sa siyudad ng Urdaneta.

Hindi pa po kasama d’yan ang operasyon ng on-line sabong, tengwe at iba pang uri ng sugal lupa.

Paging PNP chief, General Rodolfo Azurin Jr., imposible pong hindi n’yo alam ang proliferation ng illegal gambling operations na ito sa buong bansa.

May usap-usapan pa ngang madalas na po ninyong matalakay ang isyu ng “illegal gambling operations with DILG Sec. Benhur Abalos.

Is it true Gen. Azurin na you consider illegal gambling as lesser evil at puwedeng i-tolerate especially ngayong Christmas season.

Ito nga ba ang dahilan kaya OPEN sa buong kapuluan ng bansa, meaning sa lahat ng rehiyon ang mga nagsulputang gambling dens?

Totoo rin bang may “GREEN LIGHT” o BASBAS na ipinagkaloob sa’yo si DILG Sec. Benhur Abalos patungkol dito?

If it is the case, I might as well rest my case Gen. Azurin sir.

May kasabihan tayo di ba Gen. Azurin sir?

“IF YOU CAN NOT BEAT THEM, YOU MIGHT AS WELL JOIN THEM”.

‘Yan ba ang stand ng buong kapulisan na pinamumunuan mo Gen. Azurin sir?

Kaya naman pala sumusunod lamang ang Pangasinan PNP ni Col. Fanged sa kumpas ng Kampo Crame.

May kasunod…

Abangan.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post MGA BROD NI PD FANGED ANG PROTEKTOR AT PASIMUNO NG MGA SUGALAN SA PANGASINAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MGA BROD NI PD FANGED ANG PROTEKTOR AT PASIMUNO NG MGA SUGALAN SA PANGASINAN MGA BROD NI PD FANGED ANG PROTEKTOR AT PASIMUNO NG MGA SUGALAN SA PANGASINAN Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.