
Personal na binisita at namahagi ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa mga biktima ng flash flood sa San Mateo at Rodriguez towns sa Rizal province dulot ng bagyong Ulysses.
Namahagi si Go ng food packs, masks, face shields, vitamins at free meals sa may 1,313 pamilya sa San Mateo National High School at Eulogio Rodriguez Elementary School.
Tiniyak ng grupo ng senador na nasunod sa nasabing aktibidad ang health at safety protocols para maiwasan ang posibleng hawahan ng COVID-19 at iba pang sakit.
“Alam ninyo, noong unang panahon, ‘di pa po ako Senador, umiikot ako sa mga nasunugan. Alam namin ang problema sa baba. Kahit saang sulok kayo sa Pilipinas, kapag naging biktima kayo ng sunog, baha, lindol o anumang sakuna, pupuntahan ko po kayo at magbibigay ng tulong sa inyo,” ani Go.
“Hindi lang po tulong ang gusto namin dalhin sa inyo, nais namin makapag-iwan man lang ng konting ngiti sa panahon ng inyong pagdadalamhati. Gusto ko lang po kayong sumaya kahit papaano. Magtulungan lang po tayo, magkaisa po tayo. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo ring mga kapwa Pilipino,” dagdag niya.
Sinabi ni Go na magpapatuloy siya sa pagtupad sa kanyang naging pangako na magsisilbi sa mga Filipino sa harap ng krisis.
“Noong araw ng aking proklamasyon, dumiretso pa ako sa mga nasunugan. Mas pinili ko na magserbisyo, makipag-boodle fight, at makasalamuha ang ordinaryo nating mga kababayan na aking pinagsisilbihan,” aniya. (PFT Team)
The post Bong Go namahagi ng tulong sa typhoon victims sa San Mateo at Rodriguez, Rizal appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: