Facebook

MAAGAP NA DEKLARASYON NG STATE OF CALAMITY NG MUNTINLUPA

HINDI pa rin ganap na nakakabangon ang bansa mula sa hagupit ng magkakasunod na bagyo.

Ang pinakahuling nanalanta sa atin ay ang Bagyong Paeng.

Kaya nagdeklara na ng state of calamity si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa apat na rehiyon na lubhang naapektuhan ng kalamidad.

Siyempre, kabilang dito ang Regions 4-A (CALABARZON), 5 (Bicol Region), 6 (Western Visayas), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM).

Ikinasa ni Pangulong Marcos ang direktiba sa pamamagitan ng Proclamation No. 84 na pirmado rin ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sinasabing inilabas ang deklarasyon upang mapabilis ang pagbangon at pagtugon na rin ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mahigit isang milyong populasyon na apektado ng delubyo.

Iiral ang state of calamity sa loob ng anim na buwan, maliban na lamang kung aalisin na ito ng Presidente.

Kung hindi ako nagkakamali, bago nga pala iyon, naglabas na ng kaparehong deklarasyon ang pamahalaang lokal ng Muntinlupa.

Naging maagap dito si Mayor Ruffy Biazon dahil batid niyang matindi talaga ang naging epekto ng bagyo sa kanilang lungsod.

Agad siyang nagpatawag ng meeting sa Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC), kasama ang mga kapitan ng lahat ng mga barangay, para i-assess ang pinsalang inabot ng kanyang nasasakupan.

Pahayag ni Biazon, inirekomenda ng LDRRMC ang pagsasailalim ng Munti sa state of calamity (LDRRMC Resolution No. 10 s. 2022), bagay na inaprubahan ng alkalde at ng Sangguniang Panlungsod (SP) noong Oktubre 31.

Sa pamamagitan ng deklarasyon, ayon kay Biazon, “mas mapapabilis ang relief operations at repair and rehabilitation efforts ng pamahalaang lungsod at mga barangay dahil magbibigay-daan ito sa paggamit ng 30% ng Quick Response Fund mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund.”

Lumalabas daw kasi sa assessment at reports ng iba’t ibang emergency response offices na “walo sa siyam na barangay ng Muntinlupa ang binaha (13 sa 25 risk areas ang nakaranas ng pagbaha); 1,200 families o mahigit 5,000 individuals ang kinailangang ilikas papunta sa evacuation centers; may mga nagkasakit sa mga health centers at evacuation centers; nasa 16,871 ang na-i-report na power outages; at dalawa naman ang binawian ng buhay.”

“Sa mga panahong gaya nito, mahalaga ang mabilis na pagkilos para maisaayos at maibalik sa dati ang mga naapektuhan ng nakaraang delubyo. Hinihingi po namin ang inyong suporta sa hakbanging ito. Mas malakas tayo kung magtutulungan tayong lahat,” dagdag pa ng masipag na punong-lungsod.

Nawa’y ma-monitor at mapaigting din, hindi lang ng Munti LGU, kundi maging ng iba pang lokal na pamahalaan at national government, ang pagpapatupad ng price control sa mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang pananamantala ng mga gahamang negosyante.

***
Katuwang ang SM Foundation, Inc. at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa IZTV Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 FB page, at DWIZ ON-DEMAND sa Youtube tuwing araw ng Sabado sa ganap na alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon. Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, etc., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-DM sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po at stay safe!

The post MAAGAP NA DEKLARASYON NG STATE OF CALAMITY NG MUNTINLUPA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAAGAP NA DEKLARASYON NG STATE OF CALAMITY NG MUNTINLUPA MAAGAP NA DEKLARASYON NG STATE OF CALAMITY NG MUNTINLUPA Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.