Facebook

Bong Go bumalik sa Bicol, tumulong sa iba’t ibang sektor

Bilang pagpapakita ng kanyang pangako na ilapit ang serbisyo publiko sa mga Bicolano na nangangailangan, bumalik si Senador Christopher “Bong” Go sa rehiyon ng Bicol upang personal na manguna sa pamamahagi ng tulong sa mga mahihirap mula sa iba’t ibang sektor sa Camarines Sur noong Sabado.

Noong Hunyo 3, bumisita si Go sa Malasakit Center sa Bicol Medical Center sa Naga City para alamin ang operasyon nito at nagbigay ng tulong sa mga pasyente at frontliners.

Bukod dito, lumahok siya sa groundbreaking ceremony ng Super Health Center sa parehong lungsod at dumalo sa Bicol Social Media Summit. Ininspeksyon din niya ang by-pass road na sinimulan noong administrasyong Duterte sa pamamagitan ng kanyang suporta.

Sa pagkakataong ito, bumalik si Go sa Camarines Sur para tulungan ang libu-libong mahihirap sa lalawigan. Idinaos sa Fuerte Sports Complex sa Pili, namahagi si Go at ang kanyang grupo ng mga food packs, masks, bitamina, meryenda at kamiseta sa 2,699 residente na binubuo ng 1,247 mangingisda at 1,452 mag-aaral.

Nagbigay din sila sa mga piling indibidwal ng sapatos, kamiseta, relo, bisikleta, cellular phone, at bola para sa basketball at volleyball.

Samantala, nagpaabot naman ng tulong pinansyal ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development sa mga benepisyaryo.

Kasama ni Go ang kapwa Senador Robinhood Padilla, Camarines Sur 2nd District Representative Luis Raymund Villafuerte, 5th District Representative Miguel Villafuerte, Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan, Governor Luigi Villafuerte, Vice Governor Sal Fortuno, Jr., Libmanan Mayor Jes Camara, Calabanga Mayor Eugene Severo, Baao Mayor Jeff Besinio, Canaman Mayor Nelson Legaspi, Gainza Mayor Leonardo Agor at iba pa.

Sa aktibidad, naglaan ng ilang sandali ang mga lokal na lider at benepisyaryo upang ipahayag ang kanilang pasasalamat kay Go sa pamamagitan ng pag-awit sa kanya ng isang birthday song para sa kanyang nalalapit na kaarawan sa Hunyo 14.

Bilang chair ng Senate committee on health, nakipag-ugnayan din si Go sa mga indibidwal na may mga medikal na isyu at hinimok silang bisitahin ang Malasakit Centers na matatagpuan sa Bicol Medical Center sa Naga City at ang Bicol Region General Hospital at Geriatric Medical Center sa Cabusao.

Ang Malasakit Centers na pinasimulan ni Go noong 2018, kalaunan ay na-institutionalize sa pamamagitan ng Malasakit Centers Act of 2019 na pangunahin niyang inakda at itinataguyod.

Layunin ng programa na mapadali ang pag-access sa iba’t ibang programang tulong medikal na ibinibigay ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa kasalukuyan, mayroong 158 Malasakit Centers na nag-ooperate sa buong bansa, na matagumpay na nakatulong sa mahigit pitong milyong Pilipino, ayon sa DOH.

Binigyang-diin din ni Go ang kahalagahan ng Super Health Centers na kanyang pinasimulan para makatulong sa healthcare gap lalo na sa mga grassroots communities.

Matapos ang kanyang pagbisita sa Camarines Sur, agad tumuloy si Go sa Camarines Norte para sa groundbreaking ceremony ng Super Health Center sa bayan ng Talisay kung saan tumulong din siya sa mga naghihirap na residente. Bumisita rin ang senador sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Daet para tingnan ang operasyon ng Malasakit Center doon at matulungan ang mga pasyente at frontliners sa ospital.

The post Bong Go bumalik sa Bicol, tumulong sa iba’t ibang sektor appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go bumalik sa Bicol, tumulong sa iba’t ibang sektor Bong Go bumalik sa Bicol, tumulong sa iba’t ibang sektor Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.