Facebook

QC Councilor naghain ng ordinansa na magbibigay ng insurance benefits sa mga barangay workers

NAGHAIN ng ordinansa si Quezon City 6th District Councilor Banjo Pilar na naglalayong i-atas ang lahat ng 142 barangay sa lungsod na maglaan ng bahagi ng kanilang taunang budget. Para makapagbigay ng health insurance at iba pang benepisyo sa kanilang mga barangay worker.

Ayon sa ordinansa na inihain ni Pilar naglalayon ito upang matiyak na ang mga manggagawa sa barangay ay may access sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan at iba pang mahahalagang serbisyo.

“Ang mga empleyado ng barangay ay ilan lamang sa mga empleyado ng gobyerno na may pinakamababang suweldo,” sabi ni Pilar sa interbyu. “Sa kabila nito, sila ay nasa tawag ng tungkulin 24/7 at ginagawa ang kanilang mga trabaho at responsibilidad sa kanilang barangay.

Sinabi pa ng Konsehal ng 6th District ng QC na sakop ng ordinansa ang lahat ng empleyado ng barangay, kabilang ang mga miyembro ng Lupon Tagapamayapa (reconciliatory officers), tanod (watchmen), health worker, street sweepers, at lahat ng iba pang empleyado ng barangay na tinanggap bilang regular, kontraktwal at itinalagang empleyado.

Kasama sa mga benepisyo ang health insurance, life insurance at death benefits. “Ang ating mga empleyado sa barangay tulad ng ibang mga empleyado ng gobyerno ay patuloy na nakalantad sa panganib sa kalusugan at panganib sa pagtupad ng kanilang mga gawain,”

Ayon pa kay Pilar, ang Artikulo 11 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas ay nagtatadhana na dapat protektahan at itaguyod ng estado ang karapatan ng mga tao at itanim ang kamalayan sa kalusugan.

Umaasa si Pilar na maipapasa ang naturang ordinansa ng konseho ng lungsod at malagdaan bilang batas ni Mayor Joy Belmonte.

“Isa lamang itong paraan ng pagpapakita ng ating pagpapahalaga sa pagsusumikap at dedikasyon ng ating mga manggagawa sa barangay,” ani Pilar.

Ayon pa sa Konsehal ng 6th District nararapat silang mabayaran (barangay worker) ng maayos para sa kanilang serbisyo sa komunidad. dagdag  pa nito.  (Boy Celario)

The post QC Councilor naghain ng ordinansa na magbibigay ng insurance benefits sa mga barangay workers appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
QC Councilor naghain ng ordinansa na magbibigay ng insurance benefits sa mga barangay workers QC Councilor naghain ng ordinansa na magbibigay ng insurance benefits sa mga barangay workers Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.