HINDI namin alam kung sino sa administrasyon ni Rodrigo Duterte ang nagpanukala na ipagbawal ang PDA, o public display of affection, katulad ng pag-akbay, paghahawakan ng kamay, o paghahalikan. Masyadong malakas umano ang mga bagong variant ng Covid-19 na pumasok sa bansa. Kailangan ang ibayong pag-iingat, anila.
Kulang ang mga pasilidad pangkalusugan para sa magkakasakit. Kulang ang mga health worker tulad ng doktor, nars, orderly, at mga tao sa laboratoryo. Kulang ang ayuda. Kulang ang lahat-lahat anila. Bumagsak ang pambansang kabuhayan at nagkaloko-loko ang takbo ng bansa, ngunit wala talagang nangyari.
Ibayong pangungutang ang ginawa ni Duterte upang masugpo ang pandemya ngunit lumala pa. Nangutang ng P3 trilyon upang harapin ang pandemya, pero hindi sapat. Mula sa 50 maysakit ng Covid-19 nang mag-umpisa ang lockdown eksaktong isang taon ang nakalipas, umabot sa 600,000 ang nahagip. Sa maikli, lalong tumindi ang pandemya sa bansa.
Walang plano at programa; walang estratehiya; at walang target sa hinaharap. Walang mass testing; walang contract tracing; at walang programa sa mass vaccination. Purong drawing at pangako. Hindi nasugpo ang pandemya. Mga roadblock at checkpoint ang isinagot lalo na sa unang bahagi ng lockdown, ngunit isang kabiguan. Pawang kabiguan ang natamo.
Sa kawalan ng hakbang, o karampatang pamamahala sa krisis, o crisis management, biglang ipinasok ang pagbabawal sa PDA. Sobrang malupit, anang ilang netizen. Kontra iyan sa kultura ng mga Filipino. Likas tayong malambing at makalinga sa ating kaibigan, kasintahan, at kabiyak ng puso. Kaya kontra lambing ang hakbang na iyan. Wala na bang iba?
***
LUTANG na lutang ang dalawang kandidato ng kampo ng oposisyon – Bise Presidente Leni Robredo at dating senador Sonny Trillanes- sa halalang pampanguluhan sa 2022. Puwede isagupa kahit sino sa dalawa ang tumakbo bilang pangulo. Silang dalawa ang pinanggigilan ni Duterte. Tuwing lalabas sa publiko si Duterte, binabakbakan niya ang sinuman sa kanila.
Alam ni Duterte sa kanila iikot ang puwersa ng demokrasya. Alam niya na hindi kakagatin ang sinuman sa mga kasalukuyang pulitiko ang pumostura bilang oposisyon. Tanging ang mga binabanatan ni Duterte ang may karapatan na magsabing sila ang lehitimong oposisyon.
Sino kaya sa dalawa ang babasbasan ng tadhana upang lumaban sa puersa ng kadiliman sa 2022? Hayaan natin ang tadhana ang sumagot sa tanong na iyan.
***
SAPAGKAT malaking kabiguan ang SinoVac dahil hindi kinagat ng mga frontline health worker sa bansa, kinakausap ngayon ng ilang opisyales sa kalusugan ang India upang lumahok sa pagsugpo sa pandemya. May pangako ang India na magbibigay ng walong milyong doses bilang donasyon. Hindi malinaw kung bibili ang gobyerno ni Duterte.
Walang monopolyo ng bakuna na galing sa China. Hindi tinatanggap ng mga Pinoy ang SinoVac o Sinopharm. Matindi ang pagkamuhi ng mga Pinoy sa bakuna galing sa China. Mapipiltan humingi ng donasyon at bumili ang gobyerno sa mga kumpanya sa Kanluran – AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Johnson at Johnson, at The Serum Institute ng India.
May mga darating na bakuna sa Hunyo na pawang donasyon ngunit hindi malinaw kung bibili ang gobyerno sa huling kalahati ng taon. Walang malinaw na programa at estratehiya upang magkaroon ng isang totoong pambansang bakunang bayan.
Dahil hindi magagamit ang bakunang bayan upang magpabango sa imahe publiko ng sinuman sa ialalaban ng grupong Davao sa 2022, ikinakalat pilit ang mga haka-haka at pangamba na malamang walang eleksyon sa 2022. Hindi totoo sapagkat malinaw ang mandando ng Saligang Batas. Gagawin ang eleksyon sa 2022. Hindi puwede na ipagpaliban o kanselahin.
Sa totoo, walang foresight, o pananaw sa hinaharap ang gobyerno ni Duterte. Walang plano na maayos at masinop ang pagkilos. Hindi alam ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang gagawin.
***
KAHAPON, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang batas na naglalaan ng $1.9 trilyon. Kahit anong pigil ng mga dekadenteng Republican, wala silang nagawa sa agenda ng kalabang lapian na Democrat upang isulong ang American Relief Package Act. Malaking tulong lalo na sa mga mahihirap. Ipinagbunyi si Pangulong Joe Biden.
Hindi lang iyan. Sumulong rin ang programa sa bakuna. Layon ng administrasyon ni Biden na magbigay ng 100 milyon shot sa unang 100 araw sa poder si Biden, ngunit naiulatna 90 milyon bakuna na ang naibigay sa unang 50 araw. Totohanang lalampas sa target ang bagong administrasyon. Nakakamangha.
Iniulat na bibili ang gobyerno ng 100 milyon shot sa J&J. Sapagkat, isang bakuna lamang sa bawat Amerikano, ang bakunang J&J, nakatakdang bigyan ang 100 milyon Amerikano, o isang ikatlo (1/3) ng kabuuang populasyon ng Estados Unidos sa taong ito. Mukhang itataas ng administrasyon ang target sa taong ito. Mukhang mabibigyan ang bakuna ang buong populasyon ng Estados Unidos sa taong ito. Nakakagulat.
Hindi natin mapigil ang paghambingin ang sitwasyon sa Estados Unidos at Filipinas. Hindi natin mapigil kundi maawa sa ating sarili. Parusa ang pamumuno ni Duterte. Hindi natin maintindihan kung bakit tayo pinarurusahan ng langit.
***
KILALA na ang tatlong hukom na nag-isyu ng search warrant upang paslangin at dakpin ng mga pinagsama sundalo at pulis (private army ni Duterte?) ang mga akbista, magsasaka, at lider-obrero sa Calabarzon. Sila ay sina Jose Lorenzo dela Rosa, Jason Zapanta, at Miguel Asuncion
Nagbigay sila ng search warrant kahit hindi sumunod ang sinasabing alagad ng batas sa mga takdang panuntunan sa paghahalughog at paghahanap. Itinuturing sila na bahagi ng sabwatan upang paslangin ang mga akt
***
MGA PILING SALITA: “Ang totoong masa ay marunong gumamit ng tabo.” – Pilo Hilbay
“The AFP and PNP are fierce as lions in cracking down on the activists but they’re meek as lambs in driving away the Chinese aggressors from the [West Philippine Sea].” – Sahid Sinsuat Glang
“It doesn’t make sense after China has given us virus, we’ll buy vaccine from them. Neither it makes sense we’ll be their guinea pigs.” – PL, netizen1
The post Kontra lambing appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: